COOP Activities

#ECBlackValentineProtest

Mahal naming Panginoon,

Kami po ay patuloy na humihingi ng inyong gabay at pagmamahal sa panahong ito. Marami pong pinagdaraanan ang aming samahan, at alam po naming hindi namin ito kakayanin nang wala ang inyong tulong at inspirasyon. Kaya po sa oras na ito, inaalay namin ang lahat ng aming mga takot, kahinaan, at pag-aalinlangan.

Nawa’y makita po ng bawat isa sa amin na sa kabila ng lahat ng aming mga suliranin ay hinding-hindi niyo kami iiwan at pababayaan.

Ang dasal namin ay maging matatag ang BENECO, PALECO, CASURECO III at ibang electric coop sa Bicol upang magkaroon sila ng lakas at tibay ng loob sa panahong ng pagsubok. Ipinagdadasal din po namin ang lahat ng mga electric coop sa Iloilo at Negros Island upang patuloy nilang maipaglaban ang kanilang serbisyo at patuloy itong magampanan para sa MCOs. Itinataas din namin ang lahat ng aming dasal para sa NORDECO; naway lahat po ng pagsubok at paghihirap ay maging rason upang makita din ng mga MCOs ang halaga ng bawat electric cooperative.

Protektahan po ninyo ang lahat ng electric cooperative na may kinakaharap na pagsubok lalong lalo na ang mga gustong sakupin ng mga pribado at malalaking korporasyon. Dalhin po ninyo sa magandang direksyon ang lahat ng aming ginagawa at patuloy niyo pong bigyan ng tibay ng loob ang mga electric cooperatives upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan. Sana po ay bigyan ninyo sila ng malinaw na direksyon upang malampasan nila ang mga bagay na patuloy na sumusubok sa tatag ng kanilang paniniwala at pag-intindi sa mga rason ninyo.

Inaalay po namin ang lahat ng aming ginagawa upang mapabuti ang pamumuhay na aming mga MCOs, at sana po ay kami ay patuloy ninyong patatagin upang magawa namin ito. Itinataas namin ang lahat sa inyo at kami po ay patuloy na magtitiwala sa inyo.

Amen.

#HandsOffOurECs!
#BackOffMOREElectricAndPowerCorporation
#BackOffDavaoLightAndPowerCompany
#WeAreOneForECIndependence
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforPALECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforCASURECOIIIandAllECsinBicol
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInIloilo
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO