CANORECO Balita

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILLIPPINE O NGCP NAGKAROON NG MANUAL LOAD DROPPING

Noong Abril 10, 2019, Miyerkules ay nagkaroon ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente ang buong probinsya ng Camarines Norte simulang 1:15 ng hapon hanggang 3:04 ng hapon at noong Abril 12, 2019, Biyernes sa buong bayan ng Paracale at Jose Panganiban simulang 9:52 ng umaga hanggang 12:15 ng tanghali dahil sa pagkakaroon ng Manual load dropping ng NGCP.

Ang Manual Load Dropping (MLD) o pagbabawas ng load ay dahilan ng manipis na supply ng kuryente sa Luzon Grid. Nagkaroon ng emergency shutdown ang ilang malalaking planta katulad ng Limay, Sual, Southwest Luzon Power Generation Corp., Pagbilao at Calaca.Dahil dito, nakakaranas ng rotational brownout ang ilang mga lugar sa Luzon. Ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang nag aabiso sa mga Distribution Utilities o DU kung kelan at anong oras mawawalan ng serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar at pinapanatiling tama ang alokasyon ng supply sa lahat ng DU’s katulad ng CANORECO.

Inaasahan din ang pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM dahil sa kakulangan ng supply.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.