UPDATE: Naibalik ang serbisyo ng kuryente 6:30 ng umaga matapos makita at matanggal ang patay nang kabog na nakakapit sa insulator at nakadikit sa isang poste sa Brgy. Motherlode, Jose Panganiban. Hindi agad nakita sa dilim ang nasabing kabog dahil kakulay ito ng insulator. Nakita ito nang may nakapagsabi na may naputok sa nabanggit na lugar.
Ang nararanasang power interruption ngayon, June 29, 2022, na nagsimula ng 1:47 hanggang 2:59 ng umaga at 3:46 ng umaga hanggang sa kasalukuyan sa bayan ng JOSE PANGANIBAN maliban sa Brgys. San Martin, Tamisan, Sta. Rosa Sur at bahagi ng Luklukan Sur ay dahil sa disturbance sa linya.
Sa kasalukuyan ay nagtatrace pa ang aming technical team upang matukoy at maiayos ang sanhi ng interruption.