COOP Activities

BECA Task Force to MASELCO

Bilang bahagi ng Bicol Electric Cooperatives Association (BECA) Task Force, nagpadala ang CANORECO at iba pang Bicol ECs ng mga grupo ng Lineman sa Masbate Electric Cooperative, Inc. (MASELCO) upang tumulong sa pagsasaayos ng mga kawad ng kuryente at pagpapalit ng mga depektibong kuntador. Ito ay upang maibaba ang system loss at gumanda ang kalidad ng suplay ng kuryente papunta sa mga kabahayan sa isla at lalawigan ng Masbate.
Kasabay ng mga Lineman ng CANORECO sa pagpunta sa Masbate ang mga Lineman ng Camarines Sur II Electric Cooperative, Inc. (CASURECO II) at Camarines Sur IV Electric Cooperative, Inc. (CASURECO IV) noong nakalipas na weekeend.