Narito ang ilang larawan kaugnay sa naganap na emergency power service interruption kaninang madaling araw, November 22, 2022 (Martes), bandang 2:12AM sa Barangay Batobalani, Calaburnay, Capacuan, Dagang, Dalnac, Gumaus, Malacbang, Maybato, Pinagbirayan Malaki, Pinagbirayan Munti, Talusan, Tawig, Tugos, Poblacion Norte, Poblacion Sur, Palanas, Malaguit, Casalugan, at Bagumbayan sa bayan ng PARACALE at Barangay Santa Rosa Sur at Luklukan Sur sa bayan ng JOSE PANGANIBAN.
Ang sanhi ng nasabing emergency power service interruption ay ang pagputok ng Power Fuse ng Tawig Substation dahil sa fault sa linya. Kasalukuyan nang naibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga nasabing lugar.
Maraming salamat po sa ating mga MCOs sa unawa at suporta!