Uncategorized

Maintenance Work – December 12, 2022

TINGNAN. Ang ating mga linemen-in-action sa Purok 6, Barangay Masalong sa bayan ng Labo kahapon, December 12 (Lunes), kung saan sila ay nag-install ng guying para sa poste.
Ang guying ay isang pamamaraan upang patatagin at mapanatili ang isang poste sa position nito kahit mayroong hangin o mula naman sa tensyon na dala ng mga nakalagay na linya ng kuryente.
Isa yaan sa mga aktibidad ng ating mga linemen sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan para mapanatiling maayos ang ating mga linya.
Maraming salamat po sa ating mga linemen at salamat rin po sa ating mga MCOs sa patuloy niyo pong suporta!