𝐋𝐈𝐍𝐄𝐌𝐄𝐍 𝐈𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍. Ang re-installation ng guying ng poste sa Purok 5 sa Barangay Bagong Silang I sa bayan ng Labo kanina, 23 January 2023 (Lunes), sa pamamagitan ng Operation & Maintenance team ni Foreman Yarte kasama si Lineman Yabut at isang assistant lineman.
Ang guying ay isang brace or cable na ikinakabit sa isang poste upang mapatibay ito at mapanatili sa position lalo na kapag may malakas na hangin.
Patuloy ang pagtatrabaho ng ating mga linemen sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang mapanatiling nasa maayos na kondisyon ang ating mga linya ng kuryente.
Salamat po MCOs sa inyong suporta!