CANORECO Balita

𝐂𝐀𝐍𝐎𝐑𝐄𝐂𝐎 𝐒𝐮𝐛𝐬𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐧𝐠 𝐈-𝐀𝐮𝐭𝐨𝐦𝐚𝐭𝐞

Isinakatuparan na ng CANORECO ang paggamit ng Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) na isa sa mga solusyon sa data acquisition, at monitoring at control ng system ng isang kagamitan o pasilidad gaya ng substation ng isang electric cooperative.
Nauna nang i-automate noong February 25, 2023 ang Lag-on 20MVA Substation na nagsusuplay ng kuryente sa mga bayan ng Mercedes, Basud at San Lorenzo Ruiz, sa mga barangay ng Daet South, at ilang barangay ng Daet North kasama ang SM City Daet.
Pinapalitan ng SCADA ang manual labor sa pagsasagawa ng electrical distribution sa mga distribution system na may mga automated equipment. Mina-maximize ng SCADA ang efficiency ng power distribution system sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang features gaya ng real-time view sa operations, data trending at logging, pag-maintain ng desired voltages, currents at power factors, pag-generate ng alarms, at marami pang iba.
Pinapabuti ng SCADA ang supply reliability sa pamamagitan ng pagbabawas ng tagal ng mga power outage at pagbibigay ng cost-effective operation ng distribution system. Nagsasagawa ang SCADA ng automatic monitoring, protecting at controlling ng iba’t ibang equipment sa mga distribution system gamit ang mga Intelligent Electronic Device. Ibinabalik ng mga ito ang power service kahit may fault condition at pinapanatili rin ng mga ito ang desired operating conditions.
Magiging kapaki-pakinabang sa mga Member Consumer Owners (MCO) ng kooperatiba ang pagkakaroon ng SCADA sa electrical distribution dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
 Maiiwasan ang pagkasira ng mga equipment dahil malalaman agad kung may fault sa system.
 Maipagpapatuloy ang monitoring at control ng distribution network kahit mula sa remote locations.
 Makakatipid sa labor cost sa pamamagitan ng pag-aalis ng manual operation ng distribution equipment.
 Mababawasan ang outage time sa pamamagitan ng system-wide monitoring at generating alarms upang mabilis na matugunan ang mga problema sa system.
 Mapapabuti ang pagpapatuloy ng serbisyo sa pamamagitan ng pansamantalang pagpapanumbalik ng serbisyo ng kuryente matapos magkaroon ng fault sa system.
 Awtomatikong mapapabuti ang voltage profile sa pamamagitan ng power factor correction at VAR control.
 Mapapadali ang pagtingin sa historical data sa iba’t ibang paraan.
 Mababawasan ang labor cost sa pamamagitan ng pagbabawas ng kinakailangang Tender.
Isusunod ang automation ng Calintaan at Talobatib Substations sa mga susunod na buwan, at ang Malatap, Tawig at Sta. Rosa Substations sa susunod na taon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph