Maliban sa Senior Citizen Discount/Subsidy na kabilang sa buwanan nating power rates sa bisa ng Republic Act (RA) No. 9994 โ An Act Granting Additional Benefits and Privileges to Senior Citizens, Implementing Rules and Regulations of RA 9994 at ng Energy Regulatory Commission Resolution No. 23, Series of 2010 โ A Resolution Adopting the Rules Implementing the Sections 4 and 5 of RA No. 9994, may isa pang discount/subsidy na ipapatupad ang CANORECO.
Ang discount/subsidy na ito ay ang Lifeline Rate Discount/Subsidy na bibigyang bisa ng Republic Act No. 11552 โ An Act Extending the Implementation of the Lifeline Rate, Amending for the Purpose Section 73 of RA No. 9136, Otherwise Known as the โElectric Power Industry Reform Act of 2001,โ As Amended by RA No. 10150 hanggang 2051; at Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Joint Resolution No. 01, Series of 2022 โ A Joint Resolution for Implementing RA No. 11552.
Ayon sa nasabing batas, ang Lifeline Rate ay ang โsubsidized rate given to qualified marginalized end-users defined under the Act, as part of the socialized pricing mechanism that provides for percentage discount, subject to the guidelines set by the ERC.โ Layon nito na matulungan ang mga konsumidor ng kuryente lalo na yung mga namumuhay sa ilalim ng poverty threshold ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang ERC ang magtutukoy kung ano ang Lifeline Rate na ipapataw ng bawat kooperatiba.
Ang mga end-user na kabilang sa alinman sa mga sumusunod, na papailalim sa mga kundisyon at pamantayan ng Republic Act (RA) at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, ay maaaring maging kwalipikadong mag-avail ng Lifeline Rate Discount:
1. Kwalipikadong household-beneficiary sa ilalim ng RA No. 11310 na kilala bilang โPantawid Pamilyang Pilipino Programโ o โ4Psโ na papailalim sa ilang mga kundisyon na ibinigay ng Section 73 ng RA No. 9136, na sinusugan ng Section 1 ng RA No. 11552; o
2. Isang marginalized end-user, na namumuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinatag ng Philippine Statistics Authority (PSA) at nagtataglay ng mga kwalipikasyon at wala sa mga diskwalipikasyon sa ilalim ng RA at ng IRR nito.
Sinumang konsumidor na benepisyaryo ng 4Ps at mag-aaplay para mapagkalooban ng Lifeline Rate ay dapat magsumite, pisikal o elektroniko, ng mga sumusunod:
1. Application Form;
2. Pinakabagong bill sa kuryente ng electrical connection na iaaplay para maka-discount; at
3. Anumang valid na government-issued id na naglalaman ng lagda at address ng konsumidor.
Para sa iba pang mga aplikanteng marginalized end-user na hindi mga benepisyaryo ng 4Ps, ngunit ang kita ng pamilya ay mas mababa sa naaangkop na poverty threshold, dapat magsumite, pisikal o elektroniko, ng mga sumusunod na dokumento sa kooperatiba:
1. Isang sertipikasyon mula sa lokal na Social Welfare and Development Office (SWDO) na inisyu sa loob ng anim na buwan bago ang paghahain ng aplikasyon, na nagpapakita na ang kita ng kanyang pamilya ay mas mababa sa poverty threshold ng PSA na naaangkop sa oras ng kanyang aplikasyon;
2. Application Form;
3. Pinakabagong bill sa kuryente ng electrical connection na iaaplay para maka-discount; at
4. Anumang valid na government-issued id na naglalaman ng lagda at address ng konsumidor.
Para sa mga kwalipikadong marginalized end-user, maliban sa mga benepisyaryo ng 4Ps, na mag-aaplay para sa pag-renew ng Lifeline Rate, dapat nilang isumite sa pisikal o elektronikong paraan ang mga sumusunod na dokumento:
1. Isang sertipikasyon mula sa lokal na SWDO na ibinigay sa loob ng anim na buwan bago ang aplikasyon para sa pag-renew;
2. Pinakabagong bill sa kuryente ng electrical connection na iaaplay para maka-discount;
3. Anumang valid na government-issued id na naglalaman ng lagda at address ng konsumidor; at
4. Ang nakaraang sertipikasyon ng Lifeline Coverage na inisyu ng kooperatiba.
Ang Lifeline Rate na ibibigay sa mga kwalipikadong marginalized end-users na mga benepisyaryo ng 4Ps ay may bisa sa loob lamang ng panahong ipahihiwatig sa Certified List na ilalabas ng DSWD, maliban kung matapos ng muling pagsusuri ng DSWD, ay na-delist ang nasabing benepisyaryo nang mas maaga kaysa sa orihinal na panahon.
Sa mga kaso kung saan ang marginalized end-user ay na-delist ng DSWD mula sa listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps, ihihinto ng kooperatiba ang pagbibigay ng lifeline rate nang hindi lalampas sa dalawang billing cycle mula noong natanggap nito ang listahan ng mga na-delist na benepisyaryo ng 4Ps. Sa ganitong pagkakataon, ipapaalam ng kooperatiba sa end-user ang kanyang pag-delist batay sa pinakahuling listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps na natanggap mula sa DSWD.
Sa kabilang banda, ang lifeline rate na ipagkakaloob sa isang kwalipikadong marginalized end-user na hindi isang benepisyaryo ng 4Ps ay may bisa sa loob ng tatlong taon mula sa pag-isyu ng sertipikasyon ng lokal na SWDO, gaya ng binanggit sa ilalim ng Section 4 ng IRR ng batas na ito. Gayunpaman, ang kooperatiba ay maaaring magsagawa anumang oras ng pagpapatunay upang matiyak na ang nasabing kwalipikadong marginalized end-user ay karapat-dapat pa rin para sa pagbibigay ng Lifeline Rate.
Sa pagtutulungan ng DOE, ERC at DSWD, tinitiyak ng ating pamahalaan na patas ang implementasyon ng nasabing batas at ang mga karapat-dapat na benepisyaryo lamang ang bibigyan ng discount. Tututukan nila ang Marginalized Sector habang sinisigurado na napakaliit lamang ang magiging epekto nito sa Subsidizing Sector na mga non-lifeline electricity consumers.
Inaasahan na ang pagpapatuloy ng nasabing discount hanggang 2051 ay makatutulong sa kabuhayan ng mga nasa Marginalized Sector sa pag-asang sa pagtatapos ng nasabing taon ay kaunti na lamang ang Marginalized Consumers at maliit na lamang ang pangangailangan sa naturang discount.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph

