UPDATE: Ang natagpuang sanhi ng biglaang pagkawala ng kuryente ay naputol na overhead guy 69kV line sa pagitan ng pole nos. 008-009 sa Brgy. Talobatib, Labo.
Ang nararanasang biglaang pagkawala ng kuryente ngayong June 28, 2023 mula 3:43 ng hapon sa ilang barangay ng mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban ay dahil sa disturbance sa linya ng NGCP Labo-Paracale 69kV line.
Sa kasalukuyan ay nagte-trace na po upang mahanap at maiayos ang sanhi ng biglaang pagkawala ng kuryente.