Jose Panganiban Member Consumer Owners ng CANORECO!
Tara na pong bumoto para sa pagka-Direktor ng inyong distrito. Open po ang ating mga Election Precinct ngayong araw, July 8, 2023, mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ang mga kandidato po ay sina Mr. Rosalino Avila at Mr. Balbino Boral Jr.
Ang magiging Director po ng inyong distrito ang magrerepresent sa inyo sa Board of Directors (BOD) ng ating kooperatiba. Sila po ang gagawa ng mga polisiyang susundin ng ating kooperatiba alinsunod sa mga batas at regulasyon na ipinapairal sa electric power industry ng ating bansa.
Kaya naman, iexercise nyo na po ang inyong karapatan at obligasyong maghalal ng inyong CANORECO Director!