Amin pong ipinapaalam sa Member Consumer Owners (MCO) ng ating kooperatiba sa distrito ng Jose Panganiban na muli pong nahalal si Mr. Balbino Boral Jr. bilang inyong CANORECO Director ngayong Sabado, July 8, 2023. Ginanap ang election sa nasa 19 na presinto sa 14 na Elementary Schools, High Schools, Barangay Halls at Rural Health Units sa inyong bayan.
Sa dalawa nating kwalipikadong kandidato, nakakuha po si Mr. Rosalino Avila ng 241 votes samantalang si Mr. Balbino Boral Jr ay nakakuha naman po ng 525 votes.
Sa resulta pong ito ng naganap na eleksyon, si Mr. Balbino Boral Jr po ang magsisilbing Representative ninyo at ng inyong bayan sa ating kooperatiba sa loob ng tatlong taon bilang bahagi ng ating Board of Directors.
Maraming, maraming salamat po sa inyong pagboto at
Congratulations CANORECO Director Balbino Boral Jr at sa mga MCO ng Distrito ng Jose Panganiban!