Ang nararanasang biglaang pagkawala ng kuryente ngayong November 15, 2023 mula 8:55 ng gabi ay dahil sa natumbang puno ng niyog na tumama sa primary line sa may bahagi ng P-4, Brgy. Masalong, Labo.
APEKTADONG LUGAR : Brgys. Masalong, Dalas, Bagacay, Bakiad, Bulhao, Cabusay, Fundado, Gumamela, Kalamunding, Pinya, San Francisco, Sta. Cruz, Anahaw, Bautista, Iberica, Guinacutan, Malasugui, Mabilo, San Antonio, Lugui, Tulay na Lupa, Baay, Napaod, Matanlang, Bayan-bayan at Benit sa LABO; Brgys. Awitan, Bakal, Dancalan, Labnig, Mampungo, Mangkasay at Tabas sa PARACALE; Brgys. Aguit-it, Manlucugan, Matango at bahagi ng Singi sa VINZONS.
Sa kasalukuyan ay inaayos na ang nasabing sanhi ng pagkawala ng kuryente.