CANORECO Balita

CANORECO, Nakatanggap ng mga Pagkilala at Parangal sa Ika-55 NEA-EC Convergence

Noong ika-29 hanggang ika- 31 ng Agosto taong 2024, dumalo ang mga delegado ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) sa 55th NEA-EC Convergence na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. Dinaluhan ng CANORECO Board of Directors, General Manager, Department Managers at Area Managers ang nasabing pagdiriwang.
Ang pagdiriwang ay pinasinayaan ni NEA Administrator Antonio Mariano C. Almeda at dinaluhan ng mga kilalang personalidad tulad ni Department of Energy Secretary Raphael Lotilla na nagsilbing Keynote Speaker sa naturang okasyon. Kabilang din sa mga panauhin si Senator Pia Cayetano, at si Humerlito Donor ng Oriental Mindoro na siyang ika-16 million na consumer na nakonektahan ng serbisyo ng kuryente. Nagbigay sila ng kanilang mensahe sa mga kalahok mula sa iba’t ibang Electric Cooperatives (ECs) sa bansa.
Itinampok sa nasabing pagtitipon ang 2024 NEA Lumens Awards kung saan ginawaran ang CANORECO ng iba’t ibang parangal at pagkilala. Bukod ito sa pag-categorize ng NEA sa CANORECO bilang isang AAA (Triple A) na electric cooperative sa loob ng walong magkakasunod na taon, mula 2016 hanggang sa kasalukuyan. Ito ang pinakamataas na category na maaaring maabot ng isang electric cooperative kung saan nangangahulugan ito na nasa pinakamataas na pamantayan ng NEA ang operasyon ng Kooperatiba. Ang mga parangal at pagkilala na natanggap ng CANORECO mula sa 2024 NEA Lumen Awards ay ang mga sumusunod:
• EC with Advanced Loan Amortization Payment to NEA
• Consistent Green EC Award
• EC with Remarkable Corporate and Community Programs
• EC with ISO Certification
• Single Digit Feeder Loss Award
• Special Citation for Innovative Enhancement of EC Communication
• Top Performing EC Award
Kasabay nito, ginanap din ang PHILRECA Awards from the Wires 2024, kung saan nagningning din ang CANORECO sa pagtanggap ng mga sumusunod na parangal:
• Champion of the One EC Network Foundation Award
• Digital Transformation Award
• MCO Champion Award
• Occupational Safety and Health Excellence Award
• Outstanding Performance Award
• Outstanding Radio Program Excellence Award
• Team Awesome Award
• The Iron Pillar Award
• Information Empowerment Catalyst Award
• MCO Prime Participation Award
• Model Member-EC Award
• Prompt Payor Award
• Silver Stellar Award
• Sustained Improvement Award
Ang mga natanggap na parangal ay hindi lamang sumasalamin sa dedikasyon ng CANORECO na magbigay ng de-kalidad na serbisyo kundi pati na rin sa patuloy nitong pag-angkop sa makabagong teknolohiya at pagsasagawa ng mga inisyatibo na mag-aangat sa kapakanan ng mga Member Consumer Owner.
Malinaw na ang CANORECO ay lalong pina-iigting na mapabuti ang serbisyong hatid sa mga MCOs at pinapalawak ang mga stratehiya upang mapanatili ang mga parangal at pagkilala na natanggap nito.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng CANORECO sa mga Member-Consumer-Owners, mga kawani, at mga opisyales na patuloy na sumusuporta sa mga adhikain nito ¬para sa lalawigan ng Camarines Norte.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.