Paliwanag sa Naganap na Power Service Interruption Ngayong Araw ng Martes (5 AUGUST 2025) Mula 10:45AM Hanggang 11:47AM
Nais pong ipabatid ng Kooperatiba ang naranasang power service interruption ngayong araw ng Martes, 5 August 2025, mula 10:45 hanggang 10:47 ng umaga, sa ilang barangay ng DAET NORTH at TALISAY.
Narito ang mga detalye ng insidente:
> 10:45AM – Nakatanggap ang Kooperatiba ng ulat mula sa sa mga MCO mula sa mga naapektuhang barangay ng biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente.
> Agad na tumugon ang Technical Team ng Kooperatiba upang siyasatin ang mga ulat na natanggap.
> Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ang putol na Primary Line sa may Barangay Calintaan sa bayan ng Talisay.
> Agad na nagsagawa ng pagkukumpuni ang Line Workers upang maiblaik ang serbisyo ng kuryente.
> 11:47AM – Matagumpay na natapos ang pagkukumpuni sa naputol na Primary Line at naibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.
Ang Kooperatiba ay humihingi ng paumanhin sa abalang dulot ng pangyayaring ito. Patuloy ang pagsisikap ng Kooperatiba na mapanatili ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga Member-Consumer-Owner.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

