COOP Activities

MCO Federation Officers Meeting

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng CANORECO Member-Consumer-Owner (MCO) Federation Officers ngayong Miyerkules, 28 January 2026, sa pangunguna ni MCO Federation President Cristina Grace D. Malate.

Kasama rin sa pagpupulong si Member Services Division Chief Melissa S. Abogado at Membership Education & Information Section Head Lovely Marie Y. Occiano.

Pinag-usapan ang mga update tungkol sa Kooperatiba, mga planong aktibidad, at sa livelihood programs na ipinapatupad nito. Kasama ring tinalakay kung paano mas mapapabuti pa ng CANORECO ang mga serbisyo nito at ang magiging bahagi ng mga MCO Officer sa adhikain na ito.