Ang nararanasang biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong Martes, 3 February 2026, mula 6:05 ng gabi ay dahil sa naputol na Primary Line sa may P-1, Brgy. Magang sa bayan ng Daet.
APEKTADONG LUGAR:
> Brgys. 1, 2, 3, Mambalite, Cobangbang, San Isidro, at bahagi ng Magang at Pamorangon sa bayan ng DAET.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng pagsasaayos ang Area 1 Office Technical Personnel upang agarang maibalik ang serbisyo ng kuryente.

