Billing Rates

MARCH 2026 POWER RATES

Tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa MARCH 2026 billing month. Ang residential rate ngayon ay Php 9.9226 per kWh kumpara sa Php 9.6354 per kWh noong nakaraang February 2026 rate. Ang low voltage rate ay Php 8.9690 per kWh habang ang higher voltage rate naman ay Php 6.6363 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 0.2872 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:

  • Pagtaas ng Generation System Charge ng Php 0.0002 per kWh dahil sa pagtaas ng fuel cost na binayaran ng Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng February 2026,
  • Pagtaas ng Transmission System Charge ng Php 0.2435 per kWh dahil sa pagtaas ng Ancillary Service Charge (Ancillary Services from the Reserve Market) ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month February 2026,
  • Pagtaas ng System Loss Charge ng Php 0.0049 per kWh dahil sa pagtaas Generation at Transmission Charge.
  • Pagsisimula ng pagkolekta ng interim Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.2763 per kWh mula Php 0.1993 epektibo sa buwan ng Feburary 2026, alinsunod sa ERC Order para sa ERC Case No. 2025-060 RC noong January 30, 2026,
  • Pagtaas ng Senior Citizen Subsidy Charge ng Php 0.0001 per kWh,

Sa kabilang banda, bumaba ang Value-Added Tax (VAT) Charge ng Php 0.0385 per kWh. Patuloy naman ang pagkolekta ng mga sumusunod:

  • Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.2011 per kWh alinsunod sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-150 RC noong 26 December 2025,
  • Green Energy Auction Allowance (GEA-All) Charge na Php 0.0371 per kWh alinsunod naman sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-127 RC noong 26 December 2025,
  • Universal Charge – Environmental Charge (UC-EC) rate na Php 0.0025 per kWh alinsunod sa advisory ng ERC noong 7 November 2025,
  • Uniform National Lifeline Subsidy rate na Php 0.0100 per kWh alinsunod sa ERC Resolution No. 2, Series of 2026 na ipinasa noong 29 January 2026.

Sa pagtaas ng power rate na babayaran sa APRIL 2026 para sa mga konsumo sa kuryente nitong MARCH 2026, madaragdagan ng Php 28.72 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 57.44 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 86.16 sa nagkokonsumo ng 300kWh.

Sa March 2026 residential power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 4.1705 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 1.4821 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7535 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.4685 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4371 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.

Ang mga pass-through charge ng CANORECO (Generation, Transmission, System Loss, at Senior Citizen Subsidy) ay nakabatay sa halagang ibinayad ng kooperatiba sa mga power supplier (TLI at WESM) nito at sa grid operator (NGCP) ng bansa, gayundin sa mga ibinigay na subsidiya para sa senior citizen na mga konsumidores na kinakalkula gamit ang inireseta ng ERC na Uniform Reportorial Requirement (URR) spreadsheet template.

Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC. Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).