Bumaba ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa MAY 2026 billing month. Ang residential rate ngayon sa Mainland ay Php 10.3755 per kWh kumpara sa Php 10.7721 per kWh noong nakaraang April 2026 rate. Ang low voltage rate ay Php 9.4219 per kWh habang ang higher voltage rate naman ay Php 7.2515 per kWh. Ang pagbaba na ito ng Php 0.3966 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
- Pagbaba ng Generation System Charge ng Php 0.1132 per kWh dahil sa pagbaba ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges para sa supply month ng April 2026,
- Pagbaba ng Transmission System Charge ng Php 0.1915 per kWh dahil sa naiwasang transmission cost (transmission cost savings) na resulta ng mas malaking nalikhang kuryente ng generation facilities na nasa franchise area ng CANORECO para sa supply month ng April 2026,
- Pagbaba ng System Loss Charge ng Php 0.0407 per kWh at Value Added Tax (VAT) Charge ng Php 0.0141 per kWh dahil sa pagbaba ng Generation at Transmission Charges,
- Pagsuspinde ng ERC sa pagkolekta ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) Charge na Php 0.0371 per kWh simula ngayong May 2026 hanggang sa June 2026.
Sa kabilang banda, patuloy naman ang pagkolekta ng mga sumusunod:
- Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.2763 per kWh na nagsimula nitong buwan ng Feburary 2026, alinsunod sa ERC Order para sa ERC Case No. 2025-060 RC noong January 30, 2026,
- Universal Charge – Environmental Charge (UC-EC) rate na Php 0.0025 per kWh alinsunod sa advisory ng ERC noong 7 November 2025,
- Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.2011 per kWh alinsunod sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-150 RC noong 26 December 2025,
- Uniform National Lifeline Subsidy rate na Php 0.0100 per kWh na nagsimula nitong buwan ng February 2026, alinsunod sa ERC Resolution No. 2, Series of 2026 na ipinasa noong 29 January 2026.
Sa pagbaba ng power rate na babayaran sa JUNE 2026 para sa mga konsumo sa kuryente nitong MAY 2026, mababawasan ng Php 39.66 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 79.32 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 118.98 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa May 2026 residential power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 4.7187 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 1.3198 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7953 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.4937 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4371 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering (DSM) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang mga pass-through charge ng CANORECO (Generation, Transmission, System Loss, at Senior Citizen Subsidy) ay nakabatay sa halagang ibinayad ng kooperatiba sa mga power supplier (TLI at WESM) nito at sa grid operator (NGCP) ng bansa, gayundin sa mga ibinigay na subsidiya para sa senior citizen na mga konsumidores na kinakalkula gamit ang inireseta ng ERC na Uniform Reportorial Requirement (URR) spreadsheet template.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC. Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).


