Nagdaos ang CANORECO at Bureau of Internal Revenue (BIR) ng isang araw na Tax Updates Seminar noong October 28, 2020 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Function Hall, 4th Flr., CANORECO Bldg., Daet, Camarines Norte.
Layon ng seminar na ito na ma-update ang kaalaman ng mga empleyado ng Kooperatiba hinggil sa Value-Added Tax (VAT), Expanded Withholding Tax (EWT), Withholding Tax on Compensation (WTC), Documentary Stamp Tax (DST) at iba pa.
Nagbigay ng kanilang mga kaalaman tungkol sa mga nasabing paksa sina Assistant Revenue District Officer (ARDO) Daisy B. De Leon, Revenue Officer (RO) Vivian N. Tropel, RO Jobel D. Bacerdo, RO Edyolyn F. Mancanes at RO Ellen J. Pornelosa.
Dinaluhan ang naturang seminar ng nasa labinlimang (15) empleyado mula sa Corporate Services Department (CSD), Finance Services Department (FSD), Internal Audit Department (IAD) at Institutional Services Department (ISD) ng CANORECO.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.



