CANORECO Balita

CANORECO At MCOPE, Nagpulong Na

Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng buuin ito noong December 2019, pinulong ng pamunuan ng CANORECO ang Member Consumer Owner (MCO) Federation Officers noong November 20, 2020 sa 4th Flr., Function Hall, CANORECO Bldg., J.P. Rizal St., Brgy. 1, Daet, Camarines Norte.

Dumalo sa pagpupulong sina CANORECO Board President Engr. Edwin Lamadrid, General Manager GM Zandro Gestiada, Member Services Chief Rhea Aivee Peñalosa at Membership Education and Information Head Melissa Abogado.

Dumalo rin si MCO Federation Chairman Leonardo Hernandez, Secretary Cristina Malate, Treasurer Lucita Ramboyong at P.I.O. Segundo Gerio, gayundin ang ilang opisyal at miyembro ng MCOPE ng bawat bayan ng Camarines Norte.

Tinalakay sa pagpupulong ang paliwanag ukol sa MCO Program for Empowerment (MCOPE), mga layunin nito, paraan ng pagpapatupad, termino ng pamamahala, mga tungkulin at responsibilidad, at mga insentibo.

Tinalakay din ang pagkilala, pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga MCO sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Livelihood Training Programs.

Nagkaroon din ng malayang talakayan tungkol sa mga katanungan at kahilingan ng mga dumalong MCO tungkol sa napag-usapang livelihood program at sa mga serbisyo ng kooperatiba.

Ang MCOPE ay binuo ng National Electrification Administration (NEA) noong July 2019 upang maging katambal nito sa pagkamit ng Sustainable Rural Development sa pamamagitan ng Total Rural Electrification.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100, 09190952707 at landline no. 054-5713796.