CANORECO Balita

CANORECO, Pinarangalan ng Sangguniang Bayan ng Daet

Pinarangalan ng Sangguniang Bayan (SB) ng Daet ang CANORECO noong December 7, 2020 sa Daet Municipal Covered Court sa Recognition Ceremony for Volunteer Individuals & Organizations and Laudible Accomplishments of Other Agencies sa bisa ng SB Resolution Nos. 244-2020 at 264-2020.

Ang SB Resolution No. 244-2020 na inaprobahan noong October 14, 2020 ay isang “Resolution expressing sincere gratitude and appreciation for the unwavering services and assistance rendered by [CANORECO] to the Municipal Government of Daet, Camarines Norte during the implementation of Enhanced Community Quarantine in this municipality due to COVID-19 pandemic.”

Sa panukala ni Councilor William Carlo R. Avila kasama sina Councilors Felix C. Abaño, Tomasito Santiago C. Turingan at Nestor F. Dalida bilang co-movants, at pinangalawahan nina Councilors Rossano C. Valencia, Apolonio B. Panong at Ma. Eliza H. Llovit, nasa dalawampung (20) volunteer frontliners, organisasyon at ahensya gaya ng CANORECO ang kinilala sa pagbibigay ng kanilang serbisyo at tulong sa Emergency Operation Center (EOC) – Incident Management Team (IMT) ng Municipal Government ng Daet, Camarines Norte sa pagpapatupad ng mga protocol at alituntunin noong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang SB Resolution No. 264-2020 naman na inaprobahan noong November 25, 2020 ay isang “Resolution commending [CANORECO] through Zandro R. Gestiada, General Manager, for the immediate restoration of electricity in the municipality of Daet, Camarines Norte.”

Sa panukala ng lahat ng Konsehal ng Daet, Camarines Norte, pinarangalan ang kapuri-puring pagganap ng CANORECO sa agarang pagpapanumbalik ng serbisyo ng kuryente sa bayan ng Daet matapos ang pananalanta nila Typhoon (TY) “Quinta” at “Ulysses”, at Super Typhoon (STY) “Rolly” sa lalawigan ng Camarines Norte noong November 2020.

Nagpapasalamat ang CANORECO sa SB Daet sa mga pagkilala at parangal na natanggap nito. Ang mga pagganap na ito ay hindi magiging matagumpay kung hindi dahil sa pagtutulungan ng mga kawani at ng mga Member Consumer Owners (MCOs) ng ating kooperatiba lalo na tuwing panahon ng mga kalamidad. Kaya ating pakatandaan na ang CANORECO, “Ito ay Atin, Pangalagaan Natin.”

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa mga numerong 09081865100, 09190952707 at 054-5713796.