Ang nararanasang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong araw, August 8, 2021 (Linggo) na nagsimula ng 3:30 ng hapon hanggang sa kasalukuyan sa bayan ng Labo ay dahilan sa pagkaputol ng primary jumper ng bypass sa may bahagi ng Bateris Labo.
Apektadong Lugar: Buong bayan ng Labo maliban sa Southroad barangays; Brgys. Awitan, Mampungo, Bakal, Tabas at Mangkasay sa bayan ng PARACALE; at Brgys. Matango, Manlucugan at Aguit-it sa bayan ng VINZONS.
Sa kasalukuyan ay inaayos na ng maintenance team ang sanhi ng interruption.

