COOP Activities

#ECBlackFridayProtest Prayer #13

Mahal na Panginoon,

Sa araw na ito ay marami kaming dapat ipagpasalamat at ikasaya sapagkat nagtitipon-tipon kami para sa lahat ng mga tagumpay na nakamit namin.

Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga araw at panahon na tinulungan Ninyo kami upang maging instrumento ng inyong ilaw at pagmamahal.

Maraming salamat po sa ilang taon at dekadang ipinakita Ninyo sa amin ang tunay na kahulugan ng serbisyo, malasakit sa iba, pagmamahal at pagpapahalaga sa mga bagay na may magandang dulot hindi lamang para sa aming mga sarili, kundi para rin sa nakararami.

Salamat po sapagkat dinala Ninyo kami sa adbokasiyang nagbibigay ng ilaw, tulong, at ginhawa para sa iba.

Panginoon, ang mga nagdaang araw ay tunay pong sumubok sa tibay ng aming loob at tibay ng paninindigan.
Lahat po ng pagsubok ay mabigat at nagdulot ng kalungkutan para sa aming lahat.

Patatagin po Ninyo ang mga electric cooperatives na sinusubok ng panahon at mga problema.

Alam po naming hindi namin ito kakayanin nang wala ang tulong at gabay Ninyo, kaya sana po ay akayin Ninyo kami sa landas na makabubuti sa lahat.

Ang mga pagsubok po sanang kinahaharap namin ngayon ay sama-sama naming lagpasan upang sama-sama din po kami sa pagkamit ng tagumpay.

Panginoon, inaangat po namin ang lahat sa inyo. Sa panahon pong hindi namin maintindihan ang mga bagay at mahirap para sa aming maintindihan ang rason Ninyo, sana po ay tulungan Ninyo kaming makita na ang lahat ng bagay na nararanasan namin ngayon ay parte lamang ng mga plano Ninyo para sa amin at para sa mga electric cooperatives, member-consumer-owners, at mga komunidad na aming pinaiilawan.

Gabayan po Ninyo ang mga lider ng bansa upang makita nila ang tamang landas na dapat nilang tahakin.

Patibayin po Ninyo ang loob ng bawat isa sa amin upang mapagtagumpayan namin ang bawat hamon na patuloy na sumusubok sa aming samahan at adbokasiya.

Gabayan po Ninyo ang aming mga lider sa rural electrification movement upang magawa namin ang lahat nang naaayon sa inyong kagustuhan.

Sana po ay ang mga bagay na nararanasan namin ngayon ay maging dahilan upang lalo pang maging malakas ang aming paniniwala sa aming adbokasiya.

Amen.

#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECsNoToTakeOver
#ECIndependenceWeWillNotBeSilenced
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforCASURECOIIIandAllECsinBicol
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAERM