Nakapaglipat din ng poste ng 69kV line at 13.2kV line sa Brgy. Bagong Silang 1, Labo ngayong araw, September 5, 2021 (Linggo).
Kung ang 69kV line ang nagta-transmit ng kuryente mula sa NGCP Substation papunta sa CANORECO Substation, ang 13.2kV line naman ang nagdi-distribute ng kuryente mula sa CANORECO Substation papunta sa mga distribution transformer.




