History

Ang programang elektripikasyon ay nagsimula nang ipasa ang Republic Act No. 6038 noon Agosto 4, 1969. Kaugnay nito ay nagpalabas si President Ferdinand Marcos ng isang Executive Memorandum No. 395 na nag-uutos ng pagbuo ng Provincial Electric Cooperative Team (PECT) na siyang mag-aaral ng pagtatatag ng kooperatiba ng kuryente sa bawa’t lalawigan. Ang PECT ay nasa ilalim ng control at supervision ng National Electrification Administration (NEA).
Nagsimula ang pag-organisa ng mga electric cooperatives sa buong bansa. Sa lalawigan ng Camarines Norte, may 5,894 na kabahayan lamang dito sa Daet at karatig bayan o 49 barangay (273 ang lahat ng barangay ) ang may serbisyo ng kuryente mula sa isang pribadong kompanya, ang Daet Electric Plant na nasa pangangasiwa ng Hidalgo Enterprises.

Nang matanggap ng Camarines Norte ang Executive Memorandum No. 395 ay binuo ang Provincial Electric Cooperative Team sa lalawigan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Engr. Basilio Parale               Kinatawan ng Governor’s Office
G. Orlando Lopez                    Kinatawan ng PACD
G. Aricio Redito                       Kinatawan ng CAO
G. Eugenio Balon                     Kinatawan ng DEC

Ang religious, civic at municipal mayors’ group ay hindi nagpadala ng kanilang mga kinatawan sa PECT. Pagkatapos na ito ay mabuo ay kaagad silang dumalo sa isang buwang seminar sa Rural Electrification na isinagawa ng NEA sa Los Baños, Laguna noong May, 1972.
Pagkatapos ng nasabing seminar ang mga PECT Members ay kaagad nagsagawa ng serye ng pag-aaral sa pagtatag ng electric cooperative sa Camarines Norte. Nagsumite sila sa NEA ng kanilang proposal na magbuo ng electric cooperative sa mga bayan ng Labo, Jose Panganiban, Sta. Elena, Paracale at Capalonga bilang priority area on coverage basis. (Ang area on coverage basis ay nangangahulugan ng isang area na binubuo ng hindi bababa sa limang bayan na mayroong isandaang libo o higit pang naninirahan). Subali’t bago naisakatuparan ang kanilang proposal ay ibinaba ang Martial Law.
Dalawang taon matapos na ideklara ang Martial Law ay ipinasa ang Presidential Decree 269 susog sa Republic Act 6038 na nagsasaad na ang mga bayan na nasasakupan ng Electric Franchise Holder ay maaaring isama sa electric cooperative. Sa naunang proposal ng PECT ay limang bayan lamang ang kanilang isinumite at kinakailangang isama ang natitira pang pitong bayan ng Camarines Norte. Sa pagtutulungan nina Engr. Basilio Parale at Mr. Claudio Garcia ng DLGCD ay nakapagsumite ang pitong bayan ng resolution sa NEA upang maisama sila sa proposal na electric cooperative. Makalipas ang isang buwan ay nakatanggap ng sulat ang PECT na nagsasaad na ang kanilang request ay naaprobahan.
Kaagad ay nagbuo ng iba’t-ibang Municipal at District Electrification Committees sa ilalim ng supervision ng PECT at NEA Organization Team. Ito ay nagsimula noong Oktubre 10, 1975 at natapos noong October 19, 1975. Ang mga nabanggit na Committee ay binubuo ng mga kinatawan mula sa religious, education, business, civic organizations, farmers, youth, Barangay Council at Government Sectors. Ang election ng mga kasapi nito ay pinamahalaan ni Atty. Manuel Señar, Legal Counsel ng NEA. At mula sa mga kasapi ng Municipal at District Electrification Committees ay binuo ang kauna-unahang Board of Directors noong October 20, 1975 at ito ay ginanap sa Provincial Capitol Building. Ang mga nahalal na opisyales ay ang mga sumusunod:
Mr. Ernesto F. Jalgalado, Sr., – President; Col. Camilo Balisnomo – Vice President; Mrs. Milagros A. Estrellado – Secretary; Mr. Bayani C. Alejo – Treasurer; Atty. Jose T. Atienza , Mr. Francisco M. Garcia at Mr. Francisco P. Timoner, Jr. mga Director.

Noong Oktubre 23, 1975 ay tinanggap ng NEA ang registration ng bagong tatag na electric cooperative sa Camarines Norte. Isinilang ang CANORECO.
Nakipag negotiate ang mga bagong Board of Directors sa NEA upang makakuha ng loan para sa pagsisimula ng operation ng CANORECO at upang mabili ang Daet Electric Plant na pag-aari ng Hidalgo Enterprises. At noong Nobyembre 5, 1975 ay nilagdaan ang loan agreement ng CANORECO at NEA sa halagang P11,638,000.00. Binayaran ng CANORECO Si Mr. Luis Hidalgo ang may-ari ng Hidalgo Enterprises ng 3.5 Million Pesos para sa Daet Electric Plant.
Ang turn-over ceremonies ay ginanap noong May 14, 1976 sa MRI Hall ng Mabini Colleges. Naging mga panauhin at saksi sa okasyon sina Hon. Roberto F. de Ocampo, Deputy Administrator for Finance and Franchise ng NEA, Gen. Ceferino S. Carreon, Senior Board Member ng NEA, Mr. Romeo L. Infante, Director for Finance ng NEA, Mr. Peter Mc Neill, Team Leader ng NRECA at Hon. Marcial R. Pimentel, Governor ng Camarines Norte.
Mayo 15, ang unang araw ng operasyon ng CANORECO bilang isang non- stock, non-profit, non-sectarian at non-political electric service utility at isang tunay na kooperatiba sa elektrisidad na maglilingkod sa 12 bayan ng Camarines Norte. Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Mr. Hernando A. Esguerra, Senior Systems Analyst ng NEA bilang Acting General Manager,Pinalitan niya Si Mr. Nilo Pascual, NEA personnel din at siyang kauna-unahang naging Acting General Manager ng CANORECO.

Ang kauna-unahang naging kasapi ng CANORECO ay Si G. Francisco P. Timoner, Jr.
Ang CANORECO ay mayron lamang na 76 kawani at may 5,782 consumers.

Sa ilalim ng panunungkulan ni AGM Esguerra ay mayroong siyam na barangay ang napailawan. Ito ay ang mga sumusunod: Sto. Domingo, Mangcawayan at Mangcruz ng Vinzons; Pantalan at Mocong ng Basud; Cobangbang ng Daet; at Sto. Nino, San Francisco at San Jose ng Talisay. Ang Barangay Sto. Domingo ng Vinzons ang kauna-unahang barangay na napailawan ng CANORECO noong Agosto 6, 1977.
Upang mapadali ang pagbabayad ng mga konsumidores ay pinahintulutan ang mga Rural Banks sa labas ng Daet upang mangolekta ng bayad sa power bills. Nagkaroon din ang CANORECO ng labing pitong (17) Barangay Electricians na sinanay upang siyang magsagawa ng rewiring o house wiring installation sa mababang taripa. Sinimulan na rin ang pagtatayo ng CANORECO Headquarters sa Talobatib, Labo sa pamamagitan ng C. S. Da. ic Construction. Nagkaroon din ng radio program na sumasahimpapawid araw- araw tuwing 9:00 am – 9:15 am at tuwing Sabado ng hapon mula 6:00 pm hanggang 6:30 pm.
Ang pamamahala ni AGM Esguerra ay umabot hanggang Mayo 2, 1977 sapagkat siya ay isa sa sampung Pilipino na napili upang dumalo sa walong (8) linggong Seminar-Workshop and Study Tour on Organization and Operation of Rural Distribution Systems sa United States of America na ang mga sponsors ay United States Agency for International Development (USAID) at National Economic Development Authority (NEDA).
Sa taong 1976 ang CANORECO ay nagtala ng 1,582 kasapi.
Ang pumalit kay AGM Esguerra sa pamamahala ng CANORECO ay si G. Manny L. Calero, isa ring Senior Systems Analyst ng NEA , bilang OIC.
Noong Hulyo 16, 1977 ay nagtalaga ang NEA ng permanenteng General Manager sa katauhan ni G. Francisco P. Timoner, Jr. na nanungkulan din bilang Pangalawang Pangulo ng Board of Directors. Ang naupo naman bilang Pangulo ng Board ay si Col. Camilo A. Balisnomo.
Napakaraming proyekto ang isinagawa sa ilalim ng pamamahala ni GM Timoner, kabilang dito ay ang paglilipat ng distribution lines mula sa gensets ng Hidalgo tungo sa linya ng National Power Corporations sa pamamagitan ng isang substation sa Calintaan, Talisay. Ang mga bayan ng Capalonga, Sta. Elena, Imelda at Paracale ay napailawan. Tinanggap ng CANORECO ang Certificate of Franchise No. 077 noong April 17, 1978 na may pahintulot ng limampung (50) taong prangkisa ng operasyon. Ang CANORECO Headquarters ay pinasinayaan noong October 23, 1978. at ang buong tanggapan ng CANORECO ay inilipat sa Talobatib, Labo. Isang shuttle bus ang naghahatid sa mga kawani mula Daet patungong Talobatib at tuwing hapon ay muling maghahatid pabalik ng Daet.
Isang proyekto ng Unang Ginang Imelda R. Marcos, bilang Ministro ng Human Settlements, ang ipinamahala sa CANORECO at ito ay ang Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) sa Magang, Daet at Calangcawan Sur, Vinzons na kung saan ay ang mga libreng lote at bahay ang pinamahagi sa mga mahihirap na mga taga Camarines Norte.

Ang Annual General Membership Assemly o AGMA ay isinagawa noong Oktubre 19, 1980 at dinaluhan ito ni Hon. Fernando V. Pajarillo, ang Gobernador ng lalawigan bilang Guest Speaker at Inducting Officer ng mga nahalal na Board of Directors.
Ipinatupad ang TANGLAW (Towards Aggressive National Growth trough Light and Water) Projects upang mapailawan ang mga classrooms sa pagtutulungan ng paaralan, mga opisyales ng Parents-Teachers Association at ilang Civic Leaders. Mayroong 83 paaralan at 1,199 silid aralan ang napailawan ng proyektong ito.
Sumailalim sa mga pagsasanay at mga seminars ang mga kawani upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagpapaunlad ng Kooperatiba ng Kuryente.
Nagkaroon ng CLINICANORECO, isang mobile clinic na nagbibigay ng libreng konsultasyon at first aid treatment sa mga kasapi-konsumidores sa mga pista ng bayan ng Camarines Norte.
Nagbukas ng Service Center sa Jose Panganiban upang matugunan ang mga reklamo sa serbisyo ng CANORECO.
Nocng Enero, 1982 isinalin ang CANORECO-By-Laws sa Tagalog ng noon ay Pangulo ng Board na si Judge Jose D. Pajarillo at ito ay tinawag na “Kartilya ng Alituntuliing Panloob”. Si Judge Jose D. Pajarillo ay nanungkulan bilang Board President mula Oktubre 19, 1980 hanggang Oktubre 27, 1983.
Itinatag ang kauna-unahang Barangay Power Association sa Barangay Calaburnay, Paracale. Ito ay isang modelong BAPA sa buong Pilipinas at dinalaw ito ni NEA Administrator, Col Pedro G. Dumol sa kaniyang pagbisita sa CANORECO..
Ang Daet ay naging dalawang distrito, Daet North at Daet South noong 1983.
Nagsimula naman sa panunungkulan bilang Board President si Atty. Augusto Schneider noong October 28, 1984. Siya ay pinalitan sa pagka Pangulo ni Atty. Santiago Z. Ceneta noong Oktubre 27, 1985.
Tumanggap ang CANORECO ng mga pagkilala bilang Best Coop in the Bicol Region, Best Electric Consumers Association at Best Newsletter.
Nagkaroon ng mga youth -oriented activities katulad ng Youth Experience, Talumpatimpalak, at Sibol -Sanaysay.

Bilang pagtalima sa direktiba ng Water Conservation and Development Administration (WCDA) ay isang mini dam ang pinagtulungang itayo sa pamamagitan ng bayanihan ng mga taga Sitio Mantabog, Barangay Sto. Domingo, Vinzons sa pangunguna ni G. Bartolome Odi at ng CANORECO. Ito ang kauna-unahang mini dam sa lalawigan at maging sa rehiyon Bicolandia. Ang mini dam na ito ay magtutubig sa irigasyon at inumin, pipigil sa pagbaha at magpapanatili ng ecological balance.
Noong Agosto 9, 1985 ang CANORECO ay ginawaran ng parangal bilang Best Electric Cooperative in Region V at mula Category C ito ay tumaas sa Category “B” ang pinakamataas na category ng panahong iyon.
Ang CANORECO ay kasapi ng Association of Bicol Electric Cooperatives (ABECO) kung saan si GM Timoner ang naging Pangulo nito. Ito ay binubuo ng 13 electric cooperatives bilang kasapi.
Sa pagtatapos ng taong 1985 tumaas ang nakatalang kasapi ng CANORECO sa
29,377.
Subali’t hindi lang malalakas na bagyo ang sumubok sa pamamahala ni GM Timoner. Noong Oktubre 1986 ay nagkaroon ng Management and Labor Union conflict kung saan ang mga kasapi ng Labor Union ay nag-aklas laban sa management dahilan sa bargaining deadlock ng CBA. Mahigit isang buwan tumagal ang union strike at nabahala ang local na pamahalaan ng Camarines Norte sa kalagayan ng kooperatiba at ipinarating na nila sa NEA ang kanilang apela upang ayusin ang gusot. Personal na bumisita ang noon ay NEA Administrator na si G. Ernesto Tabios upang alamin ang kalagayan ng CANORECO at kanyang ipinadala si G. Reynaldo V. Abundo, ang trouble shooter ng NEA upang ayusin ang gusot.
Sa panahong wala pang General Manager ang CANORECO, naging Ex-Officio Member at Acting General Manager si G. Gerundio Ababa(Board President) at ang naging Acting Board President ay si G. Reynolfo P. Rigodon simulang Oktubre 21, 1987. Opisyal na naupo bilang PS/Acting General Manager si G. Reynaldo Abundo noong Nobyembre 7, 1987 at si G. Gerundio Ababa ay muling naupo bilang Board President. Simulang Oktubre 29, 1989 hanggang Marso 12, 1992, ang naging Board President ay si G. Jose G. Boma.

Sa panahon ni GM Abundo, ang kinatawan ng CANORECO na si Bb. Marygrace King Villacorta ay napiling Miss RE Philippines sa “brains- and -beauty” nationwide search na ginanap sa Quezon City.
Ang 5 MVA substation sa Calintaan, Talisay ay naitayo.
Ang bagong gusali ng CANORECO sa Magallanes Ilaod na tinawag na Landmark of Cooperation ay itinayo.
Isang malaking parangal ang ibinigay ni AGM Abundo sa Mahal na Birhen Maria sa kaarawan nito sa pamamagitan ng “Give a Rosary, Save a Soul”. May mga imahen ni Mama Mary ang ipinamigay sa iba’t ibang simbahan sa buong lalawigan at kasabay nito ay namudmud ng mga rosaryo sa mga katolikong lumahok sa pagdiriwang. Ang selebrasyon ay isinagawa sa Holy Trinity Cathedral. Sa pagdiriwang naman ng Penafrancia Festival sa Barangay 8, Daet ay nakilahok rin ang CANORECO sa paghahanda ng sampan na sinasakyan ng Mahal Na Ina sa fluvial procession. Ang gawaing ito ay ipinagpatuloy ng CANORECO hanggang sa panahon na ito.

Maliban sa regalorosaryo ay nagkaroon din ng Pamasko sa Preso.
Lumahok ang mga kawani sa pangrehiyong paligsahan sa awit-maramihan na tinawag na KANTARAMA na ginanap sa Naga City. Pinag-ibayo ang Information Drive sa lahat ng barangay na nasasakupan ng CANORECO.
Para sa kaunlarang physical ay taon-taong nagsasagawa ng Sports Fest para sa mga kawani at lumahok din sa Regional Sports Fest ng mga electric cooperatives. Isang malaking kontrobersya ang dumating sa CANORECO na naging dahilan ng pagkakahati ng mga kawani. Taong 1995 – 1996 ng dumating ang pangyayaring ito.
Ito ay nagsimula ng maisabatas ang Republic Act 6938 (Cooperative Code of the Philippines) at Republic Act 6939 (Pagtatag ng Cooperative Development Authority) kung saan ay nabawasan ang kapangyarihan ng NEA sa mga electric cooperatives kabilang na ang CANORECO.
Ang CANORECO ay nairehistro sa Cooperative Development Authority (CDA) noong Marso 8, 1993 sa kabila ng hindi pagsang-ayon ni dating NEA Administrator Teodorico Sanchez. Ipinag-utos niya na hindi kilalanin ang CDA alinsunod sa ipinaiiral na batas at pinanindigan din na siya ang may kapangyarihan sa pagtatalaga ng General Manager sa CANORECO na labag sa Article 39 ng RA 6938.
Naitalaga ng CANORECO Board si G. Reynaldo V. Abundo bilang General Manager na ayon naman kay NEA Adm. Sanchez ay isang paglabag sa Section 7 ng RA 6713 o Civil Service Code Commission. Ito ay nagbabawal sa mga government officials at employees na tumanggap ng employment sa isang private enterprise na regulated, supervised at license ng Civil Service Commission sa loob ng isang taon matapos ang resignation o kaya’y retirement.
Naging masalimuot ang mga pangyayari. Nasangkot na rin ang Board of Director na nagkaroon ng dalawang (2) pangulo sa katauhan ni Fr. Norberto Z. Ochoa para sa NEA group at G. Ruben N. Barrameda para sa CDA group. Patuloy na nanungkulan si Fr. Ochoa bilang Director na kumakatawan sa Daet South at San Lorenzo Ruiz kahit na nailipat na siya sa Parokya ng Jose Panganiban. Ito ay isang paglabag sa CANORECO By-Laws.
Kasabay pa nito ang pananalasa ng super typhoon na “Rosing” na sumalanta ng husto sa buong Camarines Norte. May management problem na noon at ang pagbagsak ng CANORECO ay isinisi sa bagyo.
Hunyo, 1996 nang itake-over ng NEA-backed group sa pamumuno ni MSM Felix Rolando G. Zaldua sa tulong ng NEA personnel Mr. Juanito Irabon ang CANORECO sa pamamagitan ng OPLAN CANORECO na inihanda ng NEA upang matiyak na masusunod ang lahat ayon sa kanilang mga plano sa pag take over sa CANORECO. Hindi na nila pinapasok si GM Abundo sa tanggapan ng CANORECO at kasunod nito ay ang pag forced leave sa ilang kawani na para sa kanila ay mga maka Abundo.
Nang tangkain ng grupo ni GM Abundo ang pagpasok sa CANORECO, naging marahas ang mga pangyayari sa panig ng NEA-backed group. Pinanindigan nila ang hindi pagpapasok kay GM Abundo na sa panahong iyon ay may mga kasamahan din na sumusuporta. Nakakalungkot na ang mga pangyayari ay humantong sa pagkamatay ng isang security guard at may nabilanggo ng anim (6) na buwan gayong kapwa lang sila biktima ng mga pangyayari.
Hindi nagtagumpay sa unang pagkakataon ang pagbabalik ng grupo ni GM Abundo, subali’t noong buwan ng Setyembre, 1996 ng bumalik ang Abundo group kasama na ang mga tauhan ng NB!. Magkahalong takot at pangamba ang namayani sa mga kawani ng CANORECO. Nagsagawa ng search operation ang NBI at isinunod ang inventory ng mga kagamitan at pera ng CANORECO. Sa bilis ng mga pangyayari, may mga records at accounts na hindi maayos na naitala.
Ang NEA-backed group ay napilitang magtayo ng sarili nilang tanggapan sa labas ng compound ng CANORECO alinsunod sa kanilang OPLAN CANORECO at tinawag itong Parallel Office. Nahati ang CANORECO, parehong nagbibigay ng serbisyo, parehong nangongolekta ng power bills, parehong gumagastos sa operasyon. Ang naging resulta DISTABILISADONG CANORECO. 
Simulang Marso 12, 1992 ang naging Board President ay si G. Ruben N. Barrameda. Nang magkaroon ng dalawang grupo ng Board of Directors dahilan sa NEA­CDA conflict, naging Board President rin si G. Antonio R. Obias ng NEA-backed group simulang Hunyo 28, 1996 hanggang Enero 8, 1997 samantalang si Dir. Barrameda ang Board President ng CDA group hanggang sa pagdating ng Ad Hoc Committee noong Enero 
8, 1997.
Nang taong 1997 ang napailawan na barangay ng CANORECO ay may kabuuang 203 at kasapi na umaabot na sa 45,670
Tumagal ng mahigit apat na buwan ang pagkakahati ng CANORECO hanggang nabahala na ang mga local at provincial officials. Ipinarating nila sa Malacañang ang mga pangyayari. Kaagad nagpalabas ng Executive Memorandum No. 409 ang Pangulong Fidel V. Ramos at binigyan ng kapangyarihan ang dating ERB Chairman Rex V. Tantiongco upang magtatag ng Ad Hoc Committee para pamahalaan ang CANORECO at ayusin ang sigalot dito. Ang Ad Hoc Committee ay binubuo ng mga sumusunod:

Chairman                                           Rex V. Tantiongco
Secretary                                            Dr. Teodulo M. Mea
Members                                            Dr. Vicente J. Lukban
Andres E. lbasco, Sr.
Honesto L. de Jesus
Acting Gen. Manager- Engr. Antonio C. Borja, Jr.  (CASURECO II GM)
Comptroller –  Mary Ann C. Asor
(CASURECO IV Finance Manager)

Noong Enero 8, 1997, muling nagkaisa ang mga opisyales at mga kawani ng CANORECO at muling nagsama sa iisang tanggapan. Lahat ay muling kumilos upang maibangon ang CANORECO sapagkat ito ay bumagsak na sa Category E mula sa Category A+

Marso 22 at 23, 1997, nagkaroon ng District Election para sa mga sumusunod na Distrito at ang mga bumuo ng bagong Board of Directors ay sina:
District 1 – Mrs. Milagros A Estrellado
District II – Engr. Raul E. Carranceja
District III – Engr. Jesus Thomas L. Fernandez, Jr. District IV – Engr. Romeo T. Atienza
District V – Bernardo F. Dlezmo
District VI – Edgar E. Dasco
District VII – Artemio G. Indias 

Ang pamamahala ni GM Borja ay tumagal hanggang Abril 19, 1997 at si Mrs. Mary Ann C. Asor ang itinalaga ng mga bagong halal na Board of Directors upang maging Acting General Manager hanggang Agosto 22, 1997.

Noong Agosto 22, 1997, nagtalaga ng bagong permanent General Manager ang Board of Directors. Ang napili sa mga aplikante ay si Engr. Augustus I.Portem
Ang Board President mula Abril 19, 1997 ay si Engr. Romeo T. Atienza at siya ay nanungkulang pangulo hanggang noong Nobyembre 10, 1998.

Naitayo ang 10 MVA Substation sa Calintaan, Talisay.
Nagbigay ng 2% prompt payment discount sa mga konsumidores.
Nagsagawa ng mga district meetings tungkol sa posisyon ng NEA at CDA sa conversion issue ng CA NORECO.
Patuloy na pagpapatupad ng mga programa sa System Loss Reduction, Collection Efficiency at ilan pang mga proyekto ng mga nakaraang General Manager, katulad ng CLINICANORECO, Radio Program, Cultural Presentations, Civil Service Sports Fest, Fluvial Procession, Raffle Draw for Prompt Payor Consumers, MCEC meetings.
Nagsimula ang pagsasagawa ng Pre-Membership Seminar para sa mga nagnanais mag-apply ng service connection tuwing Sabado ng umaga.
Nagsagawa ng Personal and Organizational Standard Seminar sa mga kawani bilang bahagi ng healing process sa transition period.
Naitayo ang 10 MVA Substation sa Calintaan, Talisay. Noong Enero 29, 1999 ay pinasinayaan ito at kasabay na ginanap sa Mega Hotel, Daet and BECA (Bicol Electric Cooperatives Association) meeting na dinaluhan ng mga General Managers at Board Presidents ng lahat ng electric cooperatives sa Bicol Region. Subalit ng araw ding iyon ay pinutol ng NAPOCOR ang kanilang supply ng kuryente sa CANORECO na tumagal lamang ng ilang oras. Kaagad itong nagawan ng paraan sapagkat ang mga panauhin sa pasinaya na kinabibilangan nila Mrs. Alice Mercado ng NEA, Provincial Governor Jess

Pimentel at ilang mga opisyales ng lalawigan ay naghihintay na sa Substation para sa programa. Patuloy ang aktibong partisipasyon ng CLAUSE at CARFLU, mga labor unions ng CANORECO sa regular na pulong ng Labor-Management Council (LMC)
Muling pagsasagawa ng Youth Experience 2000.
Inilunsad ang Easy Pailaw para sa mga mahihirap na aplikante sa pagpapailaw. Pagkilala sa mga kawani na naglingkod na ng 20 taon pataas sa CANORECO. Paglunsad ng bagong Vision, Mission at slogan para sa koop. Pinatupad ang mga bagong requirements sa power connection. Ang Miss CANORECO, Maria Theodora F. Alberto ay nanalo bilang Bb. Kalayaan Millenium. Re-organization rin mga kawani sa tulong ng NEA Regional Office. Muling pagbuhay sa operasyon ng mga BAPA.
Nagbuo ng mga Area offices – Area I (Daet South, Basud, San Lorenzo Ruiz at San Vicente); Area II – Daet North, Mercedes, Talisay at Vinzons); Area III – (Jose Panganiban, Paracale); Area IV – (Labo, Capalonga, Sta. Elena) Muling nasalanta ang distribution system ng CANORECO dahilan sa bagyong Loleng noong Oktubre 1998. Buwan ng Nobyembre, 1998 ay nagsara ang United Paragon Mining Corp. (UPMC) isa sa pinakamalaking industrial consumer ng CANORECO.
Nang sumunod na taon, 1999, nagsara ang Prime Chem, isa pang malaking industrical consumer ng CANORECO.
Ang Pangulo ng Board of Directors mula Nobyembre 10, 1998 hanggang May027, 2000 ay si Dir. Bernardo F. Diezmo.
Pagkakaroon ng First Friday Mass sa Chapel ng CANORECO buwan-buwan.
Nailipat ang koneksyon ng: bayan ng Sta. Elena sa linya ng CANORECO mula sa linya ng QUEZELCO I. A ng Turn-over ceremony noong Enero 24, 2002 ay dinaluhan ng NEA Administrator na si Fr. Francisco G. Silva, kasama sina Mrs. Alice F. Mercado at Mr. Diosdado Corsiga ng NEA.
Naging Pangulo din ng Board of Directors si G. Edgar E. Dasco noong May 27, 2000 subali’t siya ay nagbitiw sa pagiging Director ng siya ay kumandidato bilang Sangguniang Panlalawigan Member na kung saan siya ay nagwagi sa lokal na eleksyon.

Ang pumalit sa kanya bilang Acting President ay si Engr. Ronald S. Rojo mula Pebrero 12, 2001 hanggang Abril 17, 2001.
Dahilan sa sobrang pressure at mahirap na kalagayang pananalapi na dinaranas ng CANORECO ay nagbitiw sa kanyang tungkulin si GM Portem noong June 7, 2002. Ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin ay kanyang inihayag sa pagpupulong ng mga Member- Consumer Electrification Committee (MCEC).
Nang magbitiw sa kanyang tungkulin si GM Portem ang napailawan ng mga barangay ay may total ng 225 barangay o 82.42% at mga kasapi na 59,489.
Itinalagang Officer-In-Charge si Mrs. Leonida Z. Manalo, Finance Manager bilang kapalit ni GM Portem upang pansamantalang mamahala sa CANORECO habang hindi pa natatapos ang proseso ng pagpili ng regular na General Manager.
Muling nahalal na Pangulo ng Board of Directors si G. Bernardo F. Diezmo mula Abril 18, 2001 hanggang Agosto 29, 2003.
Ginanap ang ika- 20 Taunang Pagpupulong ng Kasapian noong Hulyo 6, 2002 sa Agro-Sports Center at sa kauna-unahang pagkakataon ay walang isinagawang paripa ng mga premyo sa mga dumalong kasapi. Isang kasapi ang nagtanong sa OIC kung totoong mapuputulan ang CANORECO ng NAPOCOR dahilan sa malaking pagkakautang ng CANORECO subali’t ito ay itinanggi ng OIC sapagkat mayroong request ang CANORECO sa NAPOCOR na extension ng pagbabayad.
Subali’t makalipas ang ilang araw, noong Hulyo 10, 2002 ay biglang pinutulan ng NAPOCOR ang CANORECO. Lubhang nabahala ang mga local at provincial officers ng Camarines Norte. Kumilos si Cong. Renato Unico at Gov. Jesus “Atoy” Typoco, Jr. at nakipag-ugnayan sa NEA at pinakiusapan si NEA Adm. Fr. Francisco G. Silva na tulungan ang CANORECO upang maibalik ang serbisyo ng NAPOCOR sa CANORECO. Ang disconnection ay tumagal ng halos isa at kalahating araw.
Kaagad ipinadala ni Adm. Silva si Engr. Jose H. Seguban, Jr., ang trouble shooter ng NEA upang mamahala sa CANORECO. Dumating siya noong Hulyo 13, 2002 kasama si Engr. Romy Reyes bilang Technical Assist.
Bilang Acting General Manager ng CANORECO ay hiningi niya ang kooperasyon ng lahat ng mga kawani upang muling maibangon ang CANORECO. Kaagad ding nakipag-ugnayan sa NAPOCOR upang ang P37,656,857.29 na pagkakautang ng CANORECO sa NPC-GENCO ay paunti-unting mabayaran, mahigit 2 Million Pesos buwan-buwan, maliban pa sa buwanang bayarin sa konsumo ng CANORECO.
Sa panunungkulan ni AGM Seguban ay kaagad nakita ang mabilis na pagbabago ng CANORECO. Bumaba ang, System Loss nito mula sa 21% ito ay naging 16% na lang.

Ipinatupad ang centralized Meter Reading and Collection, gayundin ang cycle billing upang maitaas ang collection efficiency.
Kaagad nagsagawa ng inspection ng mga kuntador ng mga Commercial at Industrial consumers upang maitama ang mga multiplier nito at masingil ng tamang taripa ang may mga pagkakamali.
Paglilinis ng mga linya ng kuryente upang mabawasan ang system loss at brownouts. Sa pamamagitan ng “Bayanihan” ng mga kawani at ilang mga kasapi sa barangay ito ay isinagawa tuwing Sabado at walang kabayaran silang natanggap maliban sa meal allowance.
Malawakang pagpapatupad ng kampanya laban sa Power Pilferage o pandaraya sa paggamit ng kuryente. IVIaraming malalaking kompanya ang napatunayang may mga pandaraya at pinagbayad ng kaukulang multa. Ito ay nakatulong ng malaki upang mabawasan ang system loss ng CANORECO. Ipinaalis din ang mga flying connection upang maiwasan ang pag-overload ng mga transformer na nagiging sanhi ng brownouts.
Nanghiram ng mga materyales sa ibang electric cooperatives upang magamit sa rehabilitation ng linya.
Agarang pagpapalit ng mga sira o depektibong kuntador upang matiyak na tama ang mga konsumong binabayaran ng mga konsumidores.
Sinimulan ang pagtatayo ng isang 5 MVA Substation sa Talobatib, Labo upang mas lalo pang mapababa ang system loss at maiwasan ang overloading ng ibang substation.
Sa kabila ng limitadong budget ay naibigay pa rin ang matagal ng nabinbing mga benepisyo ng mga kawani.
Pinag-ibayo ang komunikasyon sa mga kasapi sa pamamagitan ng radio program, press releases, info drive at mobile announcements. Gayundin ang pamimigay ng mga handbills/handouts sa mga kasapi-konsumidores at pagpapaskil ng mga posters upang kaagad maiparating ang mga bagong patakaran ng CANORECO.
Pagpapailaw sa 39 barangay na nalinyahan sa tulong ng Department of Energy at itinayo ng Mirant Philippines. May ilan ding sitio at purok na napailawan.
Patuloy na pagsasagawa n Pre-Membership Seminar tuwing araw ng Biyernes sa CANORECO Main Office at sa mga malalayong barangay na nakatakdang pailawan.
Pagsasanay sa mga BAPA officials upang maging epektibo ang kanilang pamamahala sa asosasyon.

Pagsasanay at pagbibigay ng accreditation sa mga Barangay Electrician.
Pakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng Member-Consumer Electification Committee (MCEC)
Patuloy na pagsuporta at, regular na pakikipag-ugnayan sa dalawang labor union ng CANORECO, ang CLAUSE at CARFLU.
Regular na pakikipag-ugnayan sa mga kawani tuwing Lunes ng umaga pagkatapos ng Flag Raising Ceremony,
Pagsasaayos ng mga Area Offices at Main Office upang mapaunlad ang imahe ng kooperatiba.
Limitadong paggastos ayon sa aprobadong guidelines ng NEA.
Pakikiisa sa mga programa o Gawain ng komunidad katulad ng Civil Service Month, Consumer Welfare Month, Our Lady of Penafrancia Festivities.
Pagpapailaw ng limang (5) islang barangay sa pamamagitan ng Solar Home system.
Paglalagay ng RQIM (Request, Question, Information, Messages) sa CANORECO upang direktang makipag-ugnayan sa NEA.
Inalis ang 2% prompt payment discount sa mga konsumidores sapagka’t hindi ito nakakatulong sa kalagayang pinansyal. Sa halip ay sinanay ang mga konsumidores na magbayad sa mga collectors at sa due date. Mahigpit na ipinatupad ang “Isang Resibo, Putol”.
Ang CANORECO ay umangat mula Category “E” at ito ay naging Category “D”.
Ang mga recovery measures na ito ay kasabay ng Executive Order No. 119 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagbigay ng pagkakataon sa mga electric cooperatives na makabangon sa pamamagitan ng Rehabilitation and Efficiency Program (REP). 
Noong Enero 25, 2003, dumalaw si NEA Administrator, Fr. Francisco G. Silva kasama si Mrs. Edita S. Bueno upang personal na tingnan ang mga pagbabago sa CANORECO. Naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga kawani at ni Cong. Renato J. Unico.
September 2003 tumanggap ang CANORECO ng “Turn Around Electric Cooperative “Award mula kay Pangulong Arroyo. Ang tropeo ay tinanggap ni AGM Seguban, BOD Pres. Nicolas M. Zabala, Jr. at dating BOD Pres. Bernardo F. Diezmo sa Malacañang Palace.

Si G. Nicolas M. Zabala, Jr. ay nagsimulang manungkulan bilang Pangulo ng Board noong Agosto 30, 2003 hanggang Agosto 27, 2004. Si Dir. Zabala ay naging Vice President ng BECA (Bicol Electric Cooperatives Association) at naging daan upang iparehistro ang BECA sa Security & Exchange Commission (SEC) upang magkaroon ito ng legal personality.
Dahilan sa ipinatupad na EPIRA (Electric Power Industry Reform Act – RA 9146), ang lahat ng mga opisyales at kawani ng National Electrification Administration (NEA) ay legally terminated at kabilang dito si AGM Seguban. Ang kanyang panunungkulan. sa CANORECO bilang Acting General Manager ay natapos noong Disyembre 31, 2003.
Sa paglisan ni AGM Seguban sa CANORECO ang napailawang barangay ay umabot na sa 252 o 92.31% at ang pakatalang kasapi ay 63,672.
Nagsimula naman ng kanyang panunungkulan si G. Oscar C. Acobera, Institutional Services Manager, bilang Officer-In-Charge noong Enero 1, 2004 sa bisa ng Board Resolution No. 141, series of 2003 habang wala pang maitalagang regular General Manager para sa CANORECO.
Sa panahon ng panunungkulan ni OIC Acobera ay ipinagpatuloy niya ang mga nasimulan ni AGM Seguban. Umangat ang category ng CANORECO mula Category “D” tungo sa Category “C”.
Natapos ang pagtatayo ng 5 MVA Substation sa Talobatib, Labo at ito ay pinasinayaan noong Abril 23, 2004. Ito ang nagsu-supply ng kuryente sa mga bayan ng Capalonga, Sta. Elena at Labo. Naiwasan ang pag-overload ng mga substations at nakatulong upang maiwasan ang madalas na brownout.
Natapos bayaran ang arrears sa NPC-Genco noong Setyembre, 2004.
Si Engr. Jesus Thomas L. Fernandez, Jr. naman ang naging Board President mula Agosto 28, 2004 hanggang Agosto 27, 2005.
lpinatupad ang programang “Linya Natin, Pangalagaan Natin” matapos pulungin ang mga punong barangay upang sila ang mamahala sa paglilinis ng linya ng kuryente sa kanilang mga barangay.
Sa taong 2004 nakapaglinya ang CANORECO sa isang (1) Barangay(Dayhagan, Jose Panganiban) na ang pondo ay galing sa NEA, labing-apat (14) na sitio o purok na ang ibang pondo ay galing sa NEA. Ang Purok 5 sa sitio Mantabog, Sto. Domingo, Vinzons naman ay galing ang pondo sa APEC Representative, Cong. Ernesto Pablo. Samantalang apat na sitio naman ang napailawan na mayroong counterpart sa pondo ang Local Government Unit.

Patuloy pa rin ang radio program sa dalawang radio station sa Daet (DZMD at DZVX), ang raffle para sa mga prompt payor consumers, at mobile announcements lalo na kapag disconnection period.

Pagdalo sa mga sesyon ng Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Bayan upang talakayin ang mga mahahalagang isyu ng CANORECO.
Patulo, na paggamit ng RQIM.

Patuloy ang pagsasanay ng mga kawani at pagpapadala sa mga seminars upang madagdagan
ang mga kaalaman ng mga ito.
Naipagkaloob ang mga benepisyo ng mga kawani alinsunod sa Standard Laws at Wage Orders, mga insentibo at mga pangkalahatang dagdag sa suweldo bilang pagsunod sa Collective Bargaining Agreements (CBA).
Nagsimula ng gumamit ng Palm Reader ang mga Meter Readers sa bayan ng Daet upang mapadali ang pagbasa ng kuntador at paggawa ng power bills.
Bumili ng lote para mailipat ang mga kagamitan sa Talobatib HQ sapagkat ang lupang kinatatayuan nito ay napatunayang pag-aari ng Camarines Norte State College at ito ay kanila ng binabawi sa CANORECO.
Napagpasyahan ng Board of Directors sa pamumuno ni Engr. Jesus Thomas L. Fernandez, Jr. na gawing Acting General Manager sa bisa ng Board Resolution No. 109, s. 2004 dahilan sa ipinakitang dedikasyon sa kanyang tungkulin bilang OIC upang maibangon ang CANORECO . Ito ay kinumpirma ng NEA noong Setyembre 2, 2004.
Natapos ang anim na buwan ng pagiging Acting General Manager ni AGM Acobera noong Marso 20, 2005. Pero dahilan sa wala pang ipinapalabas na resulta ng background investigation ang NEA para sa 2 aplikante na sina G. Roberto U. Sale at Engr. Lorenzo S. Canlas, Jr. minarapat ng Board na ma-extend pa ang panunungkulan ni AGM Acobera upang maipagpatuloy ang operasyon ng kooperatiba lalo na at nahaharap ang CANORECO sa mabigat na pagsubok batay sa implementasyon ng EPIRA at Magna Carta for Electricity Residential Consumers.
Subali’t nagsimula nang mainip ang dalawang (2) aplikante sa pagka GM ng CANORECO. Hiningi na nila sa NEA ang agarang pagpapadala ng resulta ng kanilang background investigation sa Board ng CANORECO upang ito ay makapili na sa kanilang dalawa. Bunga nito ay pinadala sa CANORECO Board ni NEA Administrator Editha S. Bueno ang resulta ng background investigation na may petsang Marso 10, 2005 subali’t natanggap ito ng CANORECO noong Abril 11, 2005 lamang. Kaagad ipinatawag ng Board ang dalawang aplikante para sa interview at upang kanilang ilahad ang kanilang mga programa para mapaunlad ang CANORECO.
Ang unang ipinatawag ng Board ay si Engr. Lorenzo S. Canlas, Jr. noong Mayo 18, 2005 para sa interview at upang ilahad ang kanyang mga balakin kung siya ang mapiling GM. Ito ay sinaksihan ng mga Department Managers at mga representative ng Labor Union. Ng sumunod na araw, May 19, 2005 ay si G. Roberto U. Sale naman ang ipinatawag para sa kanyang interview. Sa hapon din ng araw na iyon ay nagpasya ang Board na magbotohan para makapili na sila. Ito ay matapos ang mahabang palitan ng kuro­kuro ng mga Board of Directors. Ang kanilang pagbobotohan ay pinamahalaan nina Mr. Jose G. Hernandez, Internal Audit Manager at Mrs.Minda R. Dela Trinidad, MDD Chief. Ang naging resulta ng botohan ay

Canlas                           – 7 votes
Sale                               – 1
Abstain                          – 1

Sa pamamagitan ng Board Resolution No. 53, s. 2005 na may petsang Mayo 19, 2005 ay pinagtibay nila ang pagkakapili kay Engr. Lorenzo S. Canlas, Jr. bilang General Manager (on probationary status) ng CANORECO. Ito ay ipinadala sa NEA para sa confirmation.
Sa panunungkulan ni AGM Acobera ang napailawang mga barangay ay umabot na sa 264 o 96.70% at ang nakatalang kasapi ay 68,022.
Dumating ang confirmation ng appointment ni GM Canlas mula sa NEA noong Hunyo 20, 2005, ganap na ika- 11:10 ng umaga, gayong nakasaad dito na ang effectivity ay Hunyo 7, 2005. Kaya sa pamamagitan ng Board Resolution No. 59, s. 2005 ay nagsimula ang panununglculan ni GM Canlas noong Hunyo 27, 2005 araw ng Lunes.
Ang isinumite ni GM Canlas na Six-month workplan ang magiging basehan ng Board sa gagawing evaluation nito pagkaraan ng anim (6) na buwan kung si GM Canlas karapat-dapat maging regular na General Manager ng CANORECO.
Ang pangunahin sa workplan ni GM Canlas ay ang pababain ang system loss ng CANORECO sa 12% at pataasin ang collection efficiency ng 98%.
Sa kanyang pagsisimula sa kanyang tungkulin pinagtuunan niya ng pansin ang papapalinis ng linya at ang pag- inspeksyon sa mga kuntador ng mga kawani at kasunod niio ay ang lahat ng mga bahay ng mga konsumidores upang matiyak na walang nandadaya sa paggamit ng kuryente.
Hinati niya ang mga Area Offices sa dalawa lamang – Area I (Daet North at South, Basud, Mercedes, San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Vinzons at Talisay) sa ilalim ng pangangasiwa ni Engr. Henry Sendon at Area II (Labo, Jose Panganiban, Paracale, Capalonga at Sta. Elena) sa ilalim ng pangangasiwa ni Mr. Alfredo Q. Relucio, Jr. Ang Meter Reading and Collection ay ginawang isang Departamento sa ilalim ng pangangasiwa ni Engr. Fernando N. Cruz.
Sinimulan din kaagad ang pole numbering para madaling malaman kung ano ang mga kagamitang nakakabit dito at upang mapalitan ang mga bulok na poste.
Mahigpit ding ipinatupad ang disconnection policy.
Ang pakikipag-ugnayan sa mga kawani ay isinasagawa tuwing Lunes ng umaga pagkatapos ng flag raising ceremony. Samantalang ang pagpupulong ng mga Meter Readers / Collectors / Disconnectors ay regular ding isinasagawa.
Isang extension office sa may guard house ang itinayo upang puntahan ng mga may rekalamo sa serbisyo ng CANORECO at upang matugunan kaagad ang mga reklamong ipapaabot dito.
Patuloy na pagkakaroon ng First Friday Mass sa CANORECO Chapel buwan­buwan.
Patuloy na pagpapailaw sa mga sitio at purok ng naaayon sa Program of Works ng Technical Services Department.
Pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamamagitan ng pag up-date sa mga communication facilities ng CANORECO upang mapabilis ang serbisyo nito lalo na sa mga lugar na may brownout o nangangailangan ng maagap na pagtugon sa reklamo ng mga konsumidores.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagpapatupad ni GM Canlas ng kanyang Workplan at unti-unti ay nakikita ang ilang pagbabago sa CANORECO. At katulad ng kanyang laging sinasabi kapag Lunes. Hnihiling niya sa mga kawani ang pagsagwan ng sabay sabay sa iisang direksyon upang marating ng maayos ang patutunguhan. Ang kasipagan niyang ipinakikita ay dapat tularan ng mga kawani upang makaagapay ang CANORECO sa mga pagsubok na nakaamba sa mga electric cooperatives — privatization, EPIRA, Magna Carta, mga bagyo at iba pang mga suliranin. Subalit naniniwala siya na kapag ang lahat ay sama-sama at tulong tulong sa pagharap sa pagsubok ay malalampasan ito tungo sa kaunlaran.
Ang Board of Directors sa ngayon ay pinamumunuan ni Board President Amilo A. Barrameda na nagsimula sa kanyang panunungkulan noong Agosto 27, 2005.
Sa kasalukuyan, Agosto, 2005 ang CANORECO ay mayroong 232 kawani. Sa orihinal na 76 kawani ng mag-umpisa ang CANORECO, 12 na lamang ang natitira sa kasalukuyan. Ang CANORECO ay may 11 distrito at may 68,776 kasapi. Sa kabuang 273 barangay 265 na ang napailawan o 97.07 % .