
SENIOR CITIZEN DISCOUNT
(R.A. 9994)
SINO ANG MAAARING MAKATANGGAP NG DISKWENTO?
- Mga Senior Citizens na may edad 60 pataas, na may valid senior citizen ID na galing sa Office of Senior Citizens Affair (OSCA).
- Mga Senior Citizens na merong konsumong hindi hihigit sa 100 kwhours buwan-buwan at ang kuntador/metro ay nakarehistro sa kanyang pangalan ng hindi bababa sa isang taon.
- DSWD accredited senior citizen centers o care home na aktibo o nag-papatuloy sa kanilang serbisyo/operasyon ng hindi bababa sa anim (6) na buwan at dapat ay may sariling metro/kuntador na ginagamit para lamang sa center/home.
ANO ANG MGA KAILANGANG DOKUMENTO/REQUIREMENTS?
- Resibo (powerbill) ng huling binayan sa CANORECO na nakapangalan/nakarehistro sa pangalan ng Senior Citizen
- Senior Citizen ID Card o kahit anong valid ID na naka lagay ang araw ng kapanganakan at CItizenship katulad ng:
- Driver’s License
- SSS, GSIS, Philhealth
- Postal ID o PRC ID
- TIN
- Voter’s ID
- CANORECO ID
- Sertipikasyon na galing sa Punong Barangay na nagpapatunay na ang senior citizen ay lihitimong residente ng barangay.
- 2 x 2 ID picture (1 piraso)
Kapag merong representative o ibang tao ang nag-asikaso ng pag-apply o pag sumite sa CANORECO ng mga dokumentong kailangan:
- Special Power of Attorney
- Senior Citizen ID
- Kahit anong Government ID ng representative
PAANO MAKAKATANGGAP NG DISKWENTO?
- Kinakailangang personal na mag-apply and Senior Citizen at mga Care Homes representative sa tanggapan ng CANORECO, Main Office sa Magallanes Ilaod, Daet, Camarines Norte o sa mga Service Centers na malapit sa inyong lugar.
- Dalahin ang lahat ng requirements/dokumento.
- Taon-taon ay kinakailangang i-renew ang kanilang aplikasyon para tuloy-tuloy na makatanggap ng 5% na diskwento, dalahin lamang ang senior citizen I.D.
- Kung sakaling ang senior citizen ay pumanaw na, kinakailangang itong ipagbigay alam ng kanyang asawa o malapit na kapamilya para maiwasan ang multa/penalty.

