CANORECO Balita

𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐁𝐈𝐋𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒, 𝐁𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀

Bumaba ang billing rates na babayaran para sa April 2023 billing. Ang residential rate ay Php15.1925 per kWh na lamang kumpara sa Php15.5762 per kWh noong nakaraang March 2023 billing. Ang commercial low voltage rate ay Php14.2390 per kWh at ang commercial high voltage rate naman ay Php12.4122 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na Php0.3837 per kWh.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation System Charge ng Php0.3944 per kWh dahil sa mas mababang Fuel Cost (Coal Price) na binayaran sa ating Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng March 2023. Bumaba ito ng Php0.6562 per kWh mula Php7.9184 per kWh pababa hanggang Php7.2622 per kWh.
Bahagyang bumaba rin ang average rate sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng Php0.3567 per kWh dahil sa sapat na suplay ng kuryente na tumaas ng 2.85% o 394 MW ng kuryente kumpara noong February 2023.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.0430 per kWh. At suspendido pa rin pansamantala ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) na Php0.0364 per kWh dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 na nagsimula noong December 2022 billing hanggang February 2023 billing at ipagpapatuloy mula March 2023 billing hanggang August 2023 billing base sa pinakabagong ERC Notice of Resolution noong February 22, 2023.
Samantala, bahagya namang tumaas ang Transmission System Charge ng Php0.0183 per kWh dahil sa mas mataas na transmission rate ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP); at ang Lifeline Rate Subsidy at ang Senior Citizen Subsidy na may kabuuang Php0.0078 per kWh.
Sa pagbaba ng billing rate na babayaran sa May 2023 para sa mga konsumo sa kuryente ng April 2023, mababawasan ng Php38.37 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php76.74 ang nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php115.11 ang nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa April 2023 billing rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php9.1902 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php0.9762 per kWh; sa System Loss Charge ay Php1.1633 per kWh; sa Government Charges ay Php1.7862 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php0.4657 per kWh; at sa DSM Charges ay Php1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering (DSM) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon. Ang halagang ito ay hindi nagbago mula pa taong 2010.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng iyan ay dumadaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ipatupad ng electric cooperatives. Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at ibinabayad ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at inire-remit sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph