Apat napu’t siyam na taon na ang nakararaan mula ng tanggapin ng National Electrification Administration (NEA) noong October 23, 1975 ang pagpaparehistro ng bagong tatag na electric cooperative (EC) sa Camarines Norte – ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO).
Nagsimula ang programang elektripikasyon sa lalawigan ng Camarines Norte noong isinabatas ang Republic Act (RA) No. 6038 noong 1969 na pinalitan ng Presidential Decree (PD) No. 269 noong 1973. Ang mga batas na ito ang bumuo sa NEA at sa mga Electric Cooperative (EC) sa buong Pilipinas na may mandatong pailawan ang buong bansa mula sa mga siyudad hanggang sa kasuluk-sulukang mga sitio upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Nagsimula ang CANORECO sa 5,782 Consumer. Matapos isagawa ang Membership Sanitation noong February-June 2024, may 124,725 Member Consumer Owner (MCO) ang kooperatiba na may 145,210 consumer connection mula sa datos ng August 2024 CANORECO Monthly Report on the Status of Rural Electrification Program.
Sa pagdiriwang ng ika-apat napu’t siyam na anibersaryo ng pagkatatag ng CANORECO, may mga aktibidad na isasagawa ang kooperatiba.
Sisimulan ang pagdiriwang sa October 11, 2024 sa pamamagitan ng Bloodletting Activity sa CANORECO Daet Area 1 Office na pangangasiwaan ng CANORECO Occupational Safety & Health Committee (OSHC) mula 9:00AM hanggang 2:00PM katuwang ang Philippine Red Cross – Camarines Norte Chapter.
Magsasagawa ng Mobile Community Kitchen mula 9:00AM hanggang 10:00AM sa October 18, 2024 sa may St. John the Baptist Parish Church para sa mga homeless family at individual.
Magkakaroon ng pagpapamisa (Holy Mass) sa October 23, 2024 sa mga simbahan sa buong lalawigan na isinasagawa tuwing magdiriwang ng anibersaryo ang kooperatiba.
Sa parehong araw, makikitambal naman sa Corporate Social Responsibility (CSR) Activity with CANORECO Director Arwin A. Segundo kung saan mamimigay ng mga fishing net sa nasa 110 na mangingisda ng bayan ng Mercedes.
Magdiriwang ang kooperatiba sa October 25, 2024 sa pamamagitan ng isang simpleng programa kung saan pararangalan ng Loyalty Award ang mga beteranong empleyado na umabot ng mula isa (1) hanggang tatlong (3) dekada ng pagseserbisyo sa mga Member Consumer Owners (MCOs) ng CANORECO. Kasama rin sa pararangalan ang mapipiling Employee of the Year mula sa hanay ng supervisory employees at ng rank-and-file employees.
Para naman sa mga MCOs na updated sa kanilang mga bayarin sa kuryente hanggang September 2024 Power Bill, sila ay makakasali sa CANORECO 49th Founding Anniversary Raffle Promo na ipaparipa sa pamamagitan ng electronic raffle sa October 28, 2024 mula 1:00 ng hapon sa CANORECO Talisay Main Office. Nasa limampu’t dalawang (52) masuwerteng MCOs ang maaaring manalo ng mga sumusunod na papremyo:
MAJOR PRIZES:
– Php10,000.00 (1 winner bawat bayan/distrito)
MINOR PRIZES:
– Php6,000.00 (1 winner bawat bayan/distrito)
– Php4,000.00 (1 winner bawat bayan/distrito)
– Php3,000.00 (1 winner bawat bayan/distrito)
– Php2,000.00 (1 winner bawat bayan/distrito)
Sa taunang pagdiriwang na ito, muling nagpapasalamat ang CANORECO sa mga MCO na syang nagmamay-ari sa kooperatiba, at sa mga opisyal at empleyado na siya namang nagpapatakbo nito. Nawa’y maging mas maayos ang samahan ng mga MCO, mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba para sa mga susunod pang taon ng Rural Electrification.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph

