CANORECO Balita

๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ก๐ข๐ฌ๐ž ๐‘๐ž๐ง๐ž๐ฐ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐‚๐€๐๐Ž๐‘๐„๐‚๐Ž, ๐‹๐ฎ๐ฌ๐จ๐ญ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ 

House of Representatives, Quezon City – Noong ika-2 ng Disyembre 2024 (Lunes), dumaan sa ikalawang pagdinig ang House Bill 9147 na naglalayong i-renew ang prangkisa ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) para susunod na dalawampuโ€™t limang taon. Ang pagdinig ay pinamunuan ng Chairman ng Legislative Franchise Committee ng House of Representatives na si Honorable Gustavo Alonzo S. Tambunting ng 2nd District ng Paraรฑaque.

Pinangunahan ng CANORECO General Manager na si GM Zandro R. Gestiada at Board of Directors President na si Director Fernando N. Cruz ang mga delegado ng CANORECO. Naging representative naman nila si PHILRECA Party-list Congressman na si Honorable Presley C. De Jesus para sa pagdinig.
Sa pagsisimula ng pagdinig, ipinaalam ni Honorable De Jesus na na-comply na ng Kooperatiba ang mga dokumentong hiningi ng komite noong unang pagdinig. Tinanggap naman ito ni Honorable Tambunting.

Tinanong naman ni Honorable De Jesus ang kinatawan ng National Electrification Administration (N.E.A.) na si Deputy Administrator Atty. Rosan S.J. Rosero-Lee kung sila ay pabor sa franchise renewal ng CANORECO. Ayon kay Atty. Lee, โ€œโ€ฆ the National Electrification Administration is strongly supporting the franchise application of Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. – it being a high-performing electric cooperative for the last six years. Garnering the highest categorization, compliant with the Key Performance Standards set by NEAโ€ฆโ€

Dahil wala nang karagdagang tanong mula sa mga miyembro ng komite, inihain ni Honorable De Jesus ang mosyon na tapusin na ang interpelasyon, na sinuportahan naman ni Honorable Geraldine B. Roman ng 1st District ng Bataan. Inihain ni Bulacan 2nd District Representative Honorable Augustina Dominique C. Pancho ang mosyon na aprubahan ang HB 9147 na sinuportahan naman ni Honorable De Jesus.

Ilang hakbang na lang ay maaaring maisabatas na ang HB 9147 at mabigyan ng bagong prangkisa ang CANORECO na maghatid ng kuyente sa mga Member-Consumer-Onwers ng Camarines Norte sa loob ng dalawampuโ€™t limang taon. Patuloy pa rin ang pagpapaunlad ng mga pasilidad, gamit, at kawani nito upang mabigyan ng de-kalidad na serbisyo sa lahat ng MCOs.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph