CANORECO Balita

๐‰๐š๐ง๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐ŸŽ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐€๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐œ ๐‹๐จ๐š๐ ๐ƒ๐ซ๐จ๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ 

Noong nakaraang ika-09 ng Enero, 2023 ay nakaranas ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente ang malaking bahagi ng lalawigan bandang 10:42AM hanggang 10:48AM (6 na minuto). Ang mga naapektuhan ng nasabing pagkawala ng serbisyo ng kuryente ay ang mga bayan ng Mercedes, Basud, San Lorenzo Ruiz, Daet, San Vicente, Talisay, Vinzons, Labo, Santa Elena, Capalonga, at ilang mga Barangay sa bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Ang naturang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ay dahil sa Automatic Load Dropping (A.L.D.) ng National Grid Corporation of the Philippines (N.G.C.P.) dahil sa system deficiency. Ang Automatic Load Dropping ay ang pamamaraan kung saan ay awtimatikong pinuputol ang mga napiling sineserbisyohan ng kuryente. Ginagawa ito kapag may hindi normal na kondisyon sa sistema at upang mapanitili ang integridad nito. Sa pagkakataon na naganap nitong ika-09 ng Enero, 2023, nagkaroon ng system deficiency kaya naganap ang Automatic Load Dropping.
Ayon kay D.O.E. Secretary Raphael P.M. Lotilla, maaaring maging mahirap ang sitwasyon ng enerhiya sa ating bansa ngayong taon, isama pa ang posibleng hindi pagpo-produce ng kuryente ng ilang hydro plants. May sapat na suplay naman raw ng kuryente ang bansa para sa buong taon pero hindi isinasantabi ng kalihim na maaring magkaroon ng โ€œyellow alertsโ€ o ang pagkakaroon na manipis na suplay ng kuryente sa bansa.
Sa ngayon ay patuloy na isinusulong na madagdagan ang mga renewable energy source katulad ng solar, wind, at hydro plants upang matugunan ang pangangailangan ng bansa sa enerhiya at hindi na umasa sa nagmamahal na krudo at uling para makapag-produce ng kuryente.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph