CANORECO Balita

ππŽπ•π„πŒππ„π‘ πŸπŸŽπŸπŸ‘ ππŽπ–π„π‘ 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒, ππ”πŒπ€ππ€

Bumaba ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa November 2023 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 7.4376 per kWh kumpara sa Php 10.8039 per kWh noong nakaraang October 2023 billing. Ang low voltage rate ay Php 6.9685 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 5.7345 per kWh. Ang pagbabang ito ng Php 3.3663 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
Bilang pagtupad sa ERC Resolution No. 14, Series of 2022, bumaba ang mga sumusunod na pass-through charges: Generation System Charge, Transmission System Charge, System Loss Charge, Lifeline Rate Subsidy at Senior Citizen Subsidy.
Bumaba ang Generation System Charge ng Php2.8261 per kWh bilang resulta ng mas mababang Blended Generation Rate dahil sa mas mababang Fuel Cost na ibinayad sa power supplier ng CANORECO na Therma Luzon Inc. (TLI) para sa supply month ng October 2023. Mula Php4.6112 per kWh, bumaba ito ng Php0.4951 per kWh sa Php4.1161 per kWh. Kasama rito ang resulta ng pagtupad sa ERC Resolution No. 14, Series of 2022.
Bumaba rin ang Transmission System Charge ng Php0.1744 per kWh na babayaran sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil din sa resulta ng pagtupad sa ERC Resolution No. 14, Series of 2022.
Dahil sa pagbaba ng Generation Cost at sa resulta ng pagtupad sa ERC Resolution No. 14, Series of 2022, bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.0636 per kWh.
At bumaba rin ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Php0.0469 per kWh.
Suspendido pa rin ang pagkolekta ng Metering Charge na Php 0.4326 per kWh bilang pagsunod sa ERC Resolution No. 07, Series of 2023 hanggang sa makakuha ang CANORECO sa ERC ng Certificate of Authority na mag-operate at mag-maintain ng Meter Shop.
Gayundin, suspendido pa rin ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh alinsunod sa ERC Resolution No. 11, Series of 2023 na nagpalawig ng pansamantalang pagsuspinde sa pagkolekta ng FIT-All Charge mula September 2023 hanggang sa ipahinto ito ng ERC.
Sa kabilang banda, tumaas naman ang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) sa Php0.2494 per kWh na siyang kabuuan ng Php 0.0239 per kWh alinsunod sa ERC Case No. 2013-191 RC noong August 4, 2022 at Php0.0433 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution noong March 22, 2023 na parehong kinokolekta ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation; at Php0.1822 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
Sa pagbaba ng power rate na babayaran sa December 2023 para sa mga konsumo sa kuryente noong November 2023, mababawasan ng Php336.63 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php673.26 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php 1,009.89 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa November 2023 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 3.5835 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.3834 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.5146 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.3708 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4070 per kWh; at sa DS(M) Charges ay Php 1.1783 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/(Metering) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang buwan-buwang billing rates, bumaba man o tumaas, lahat ng iyan ay dumadaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ipatupad ng electric cooperatives. Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph