CANORECO Balita

ππ€π‹πˆπ–π€ππ€π† 𝐒𝐀 π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ ππŽπ–π„π‘ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ πˆππ“π„π‘π‘π”ππ“πˆπŽπ 𝐍𝐆 ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π†π‘πˆπƒ π‚πŽπ‘ππŽπ‘π€π“πˆπŽπ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 ππ‡πˆπ‹πˆπππˆππ„π’ (𝐍𝐆𝐂𝐏) 𝐒𝐀 π‹π€π‹π€π–πˆπ†π€π 𝐍𝐆 π‚π€πŒπ€π‘πˆππ„π’ ππŽπ‘π“π„ ππŽπŽππ† πŒπ€π‘π‚π‡ 𝟐𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ‘

Ang naranasang Emergency Power Service Interruption sa mga bayan ng MERCEDES, BASUD, SAN LORENZO RUIZ, DAET, SAN VICENTE, TALISAY, VINZONS, LABO, STA. ELENA at CAPALONGA; Brgys. Awitan, Bakal, Dancalan, Labnig, Mampungo, Mangkasay at Tabas sa PARACALE; at Brgys. San Martin, Tamisan, Sta. Elena, Sta. Cruz, San Pedro, San Jose, San Isidro, Salvacion, Nakalaya, Dayhagan at Dahican sa JOSE PANGANIBAN noong March 21, 2023 (Martes) mula 3:38 ng hapon hanggang 3:47 ng hapon (9 minuto) ay dahil sa “Automatic Load Dropping (ALD) due to System Deficiency” ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang ALD ay nangyayari kapag nawawalan ng suplay ng kuryente ang isa o ilang lugar dahil sa napakababang suplay ng kuryente. Ito ay minomonitor ng NGCP na isang pribadong kompanya na nag-ooperate, nagme-maintain at nagde-develop ng electricity transmission grid ng bansa.
Ang ganitong pangyayari ay hindi kontrolado ng mga electric cooperative sa kadahilanang distribution lamang ang mga ito. Tagapamahagi lamang sila ng suplay ng kuryente na ang gumagawa ay ang mga planta ng kuryente. Kapag nagkulang ang suplay mula sa mga planta, walang nakakarating na suplay sa mga electric cooperative. Ang pagpapadaloy ng suplay ng kuryente mula planta hanggang kooperatiba ay ang tungkulin ng NGCP. Kaya naman kung magkaproblema rin sa mga kagamitan o pasilidad ng NGCP, wala ring makakarating na suplay sa kooperatiba.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Official Facebook Account ng CANORECO, ang Canoreco Balita, at sa Official Website, www.canoreco.com.ph.