Gaganapin ang 40th Annual General Membership Assembly (AGMA) ng CANORECO sa darating na August 26, 2023, araw ng Sabado, mula 1:00 ng hapon sa Camarines Norte State College at sabay na mapapanood Live sa Official Facebook Page ng kooperatiba na Canoreco.
Ang mga panauhin ay ang CANORECO Board of Directors, General Manager, Committees, Employees at Member Consumer Owner (MCO) Officers.
I. Ano ang AGMA?
Ang AGMA ay ang taunang pagpupulong ng mga Member Consumer Owner (MCO) ng isang EC na isinasagawa ng CANORECO tuwing ika-huling Sabado ng Agosto taon-taon.
II. Ano ang ginagawa sa AGMA?
Ang Lupon ng mga Direktor at ang pamunuan ng CANORECO ay nag-uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2022. Ang agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod:
A. Pagtakda ng Quorum at Pagbasa ng Proof of Publication
B. Ulat ng Pangulo
C. Ulat ng Ingat-Yaman
D. Ulat ng Pangkalahatang Tagapamahala
“State of the EC Address” (SECA)
E. Iba Pang Paksang Tatalakayin
ย ย ย – Amendment ng CANORECO By-Laws
ย ย ย – Ratification ng Collective Bargaining Agreement (CBA) ng
ย ย ย CANORECO Labor Union of Supervisory Employees (CLAUSE)
F. Malayang Talakayan
G. Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyales ng Lupon
Kikilalanin at bibigyan din ng parangal ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba noong taong 2022. Ang paksa ng palatuntunan ngayong taon ay “Sustaining the Strategic Partnership of the NEA-ECs-MCOs Towards Rural Development and Nation Buildingโ.
III. Ano ang kahalagahan ng AGMA?
Sa pagdalo sa AGMA nabibigyan ng kahalagahan ang partisipasyon ng mga MCO bilang miyembro ng kooperatiba. Ang pagdalo dito ay isa rin sa mga kwalipikasyon para maging isang Direktor ng kooperatiba. Kasama rin ang AGMA attendance sa Key Performance Standard na basehan ng NEA sa pagtukoy ng categorization ng kooperatiba.
IV. Sino ang kwalipikadong MCO ng kooperatiba?
Lahat ng MCO ay maaaring magparehistro at dumalo sa AGMA ng kooperatiba. Sila yung mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan at nagbayad ng Php5.00 membership fee. Para naman sa mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan pero hindi pa isang MCO, magbayad lamang ng Php5.00 membership fee, dumalo sa Pre Membership Seminar at magsumite ng kaukulang requirements sa kooperatiba para makapagparehistro sa AGMA.
Nagsimula ang pagpaparehistro noong July 4, 2023 at magtatapos sa August 23, 2023. Ito ay ginagawa sa Main Office, Area Offices, Service Centers at Accredited Bayad Centers ng kooperatiba, at sa mga Follow Up Collection activities sa mga bayan tuwing due date. Hinahanapan lamang ng CANORECO Membership ID o kahit anumang valid government-issued ID ang MCO para sa madaling pagpaparehistro.
V. Raffle sa AGMA.
Sa taunang AGMA ng kooperatiba, ang parating pinakaaabangan ng mga MCO ay ang raffle na isinasagawa habang nagpupulong sa pamamagitan ng electronic raffle.
Para sa raffle ngayong taon, kasali ang mga nakapagparehistrong MCO ng CANORECO maliban sa mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba at kanilang asawa. Isang raffle entry lamang mayroon ang isang MCO kahit pa mahigit sa isa ang bilang ng kanyang pagmamay-aring kuntador. Dahil dito, ang account name mismo ng MCO ang tatawagin sa raffle at hindi ang kanyang account number.
Gaganapin ang raffle sa araw mismo ng AGMA sa August 26, 2023 mula 1:00 ng hapon. Samantala, magkakaroon naman ng pre-draw para sa minor prizes sa August 25, 2023, 1:00 ng hapon. Lahat ng ito ay mapapanood Live sa Official Facebook Page ng kooperatiba na โCanorecoโ. Ang mga mapapanalunang prizes ay ang mga sumusunod:
๏ Major Prizes:
– Php75,000 cash (1 Winner para sa Bicol Speaking Towns)
– Php75,000 cash (1 Winner para sa Tagalog Speaking Towns)
– Php50,000 cash (1 Winner para sa Bicol Speaking Towns)
– Php50,000 cash (1 Winner para sa Tagalog Speaking Towns)
๏ Minor Prizes:
– Php10,000 cash (3 winners bawat bayan maliban sa Daet na may North at South)
– Php7,000 cash (3 winners bawat bayan maliban sa Daet na may North at South)
– Php5,000 cash (3 winners bawat bayan maliban sa Daet na may North at South)
– Php2,000 cash (3 winners bawat bayan maliban sa Daet na may North at South)
– Php1,000 cash (3 winners bawat bayan maliban sa Daet na may North at South)
Inaanyayahan ang mga MCO na Magparehistro, Manood at Manalo sa ika-40 AGMA ng CANORECO!
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website.

