CANORECO Balita

πŸ’πŸπ¬π­ π€π†πŒπ€ 𝐧𝐠 π‚π€ππŽπ‘π„π‚πŽ, π†πšπ πšπ§πšπ©π’π§ 𝐬𝐚 π’πžπ©π­πžπ¦π›πžπ« πŸπŸ’, πŸπŸŽπŸπŸ’

Gaganapin ang 41st Annual General Membership Assembly (AGMA) ng CANORECO sa September 14, 2024, araw ng Sabado, mula 1:00 ng hapon sa Camarines Norte State College na sabay na mapapanood Live sa Official Facebook Page na Canoreco.
Ang mga panauhin ay ang Member Consumer Owner (MCO) Organization Officers, CANORECO Board of Directors, General Manager at Employees. Ang paksa ng palatuntunan ngayong taon ay “CANORECO Striving Towards Excellence for the Betterment of Member Consumer Owners (MCOs)”.
I. Ano ang AGMA?
Ang AGMA ay ang taunang pagpupulong ng mga Member Consumer Owner (MCO) ng isang electric cooperative.
II. Ano ang ginagawa sa AGMA?
Ang Lupon ng mga Direktor at ang pamunuan ng CANORECO ay nag-uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2023. Ang agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod:
A. Pagtakda ng Quorum at Pagbasa ng Proof of Publication
B. Ulat ng Pangulo
C. Ulat ng Ingat-Yaman
D. Ulat ng Pangkalahatang Tagapamahala
“State of the EC Address” (SECA)
E. Malayang Talakayan
F. Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyales ng Lupon
G. Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyales ng Organisasyon ng MCO
Kikilalanin at bibigyan din ng parangal ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba noong taong 2023.
III. Ano ang kahalagahan ng AGMA?
Sa pagdalo sa AGMA nabibigyan ng kahalagahan ang partisipasyon ng mga MCO bilang miyembro ng kooperatiba. Ang pagdalo dito ay isa rin sa mga kwalipikasyon para maging isang Direktor ng kooperatiba. Kasama rin ang AGMA attendance sa Key Performance Standard na basehan ng NEA sa pagtukoy ng categorization ng isang kooperatiba.
IV. Sino ang kwalipikadong MCO ng kooperatiba?
Lahat ng MCO ay maaaring magparehistro para sa AGMA ng kooperatiba. Sila yung mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan at nagbayad ng Php5.00 na membership fee. Para naman sa mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan pero hindi pa isang MCO, magbayad lamang ng Php5.00 membership fee, dumalo sa Pre-Membership Seminar at magsumite ng kaukulang requirements sa kooperatiba para makapagparehistro sa AGMA.
Magsasagawa ng online registration sa mismong araw ng AGMA at ang pamamaraan kung paano ito isasagawa ay iaanunsyo sa Facebook Page ng CANORECO.
V. Ano ang ipaparipa sa AGMA?
Sa taunang AGMA ng kooperatiba, ang parating pinakaaabangan ng mga MCO ay ang paripa na isinasagawa sa pamamagitan ng electronic raffle habang nagpupulong.
Para sa raffle ngayong taon, kasali ang mga nakapagparehistrong MCO ng CANORECO maliban sa mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba at kanilang asawa. Isang raffle entry lamang mayroon ang isang MCO kahit pa mahigit sa isa ang bilang ng kanyang pagmamay-aring kuntador. Dahil dito, ang account name mismo ng MCO ang tatawagin sa raffle at hindi ang kanyang account number.
Gaganapin ang raffle sa araw mismo ng AGMA sa September 14, 2024 mula 1:00 ng hapon. Ito ay mapapanood Live sa Official Facebook Page ng kooperatiba na β€œCanoreco”. Ang mga mapapanalunang prizes ay ang mga sumusunod:
οƒ˜ Major Prizes:
– Php50,000 cash (1 Winner bawat bayan)
οƒ˜ Minor Prizes:
– Php10,000 cash (2 winners bawat bayan)
– Php6,000 cash (3 winners bawat bayan)
– Php4,000 cash (3 winners bawat bayan)
– Php3,000 cash (3 winners bawat bayan)
– Php2,000 cash (3 winners bawat bayan)
Nasa 195 na masuwerteng MCO ang maaaring nanalo kaya naman Magparehistro, Manood at Manalo sa ika-41 AGMA ng CANORECO!
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph