Ipagdiriwang ngayong buwan ng Oktubre ang ika apatnaput-apat (44th) na taong anibersaryo ng pagkakatatag o Foundation Anniversary ng CANORECO. Oktubre 23, 1975 nang matanggap ng CANORECO ang opisyal na rehistrasyon nito bilang bagong tatag na electric cooperative mula sa NEA.
Kaugnay nito, magkakaroon muli ng mga aktibidades ang CANORECO na taunang ginagawa upang maipagdiwang ang anibersaryo nito. Magsisimula sa Oktubre 14, 2019, Lunes ang Blood Letting Activity sa CANORECO Main Office simulang alas 8:00 ng umaga na may temang “ Give Love by sharing your blood”. Ito ay pamumunuan ng mga kawani ng blood bank ng Camarines Norte Provincial Hospital o CNPH katuwang ang mga empleyado ng CANORECO.
Bilang bahagi rin ng Corporate Social Responsibility ng CANORECO isasagawa ang CHARITY RIDE FOR GIVE BACK Activity sa Oktubre 19, 2019, Sabado na may layuning makapaghandog ng saya sa mga bata na nasa pangangalaga ng Halfway Home sa Bagasbas, Daet. Magkakaroon din ng Tree Planting Activity sa Oktubre 18, 2019, Biyernes.
Sa mismong araw naman ng anibersaryo, Oktubre 23, 2019, Miyerkules gaganapin ang banal na misa sa Daet Main Office at sa ibat ibang bayan, at sa Oktubre 26, 2019, Sabado,magkakaroon ng CANORECO Family Day.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.

