COOP Activities

#ECBlackFridayProtest – February 18, 2022

Ngayong araw ng Biyernes, samahan niyo kaming muli sa maikling panalangin na ito💡

Mahal naming Panginoon,

Taos puso po kaming lumalapit sa inyo sa panahong ito na maraming pagsubok ang patuloy na dumarating sa amin. Bagamat kami po ay puno nang pag-aalala ang aming mga puso’t isipan, kami po ay lubos pa ring nagtitiwala sa inyong kapangyarihan at awa. Alam po naming ang pagmamahal at gabay ninyo at patuloy na darating sapagkat alam niyo ang tunay naming hangarin.

Patuloy po sana ninyong gabayan ang mga electric cooperatives at mga manggagagawa nito upang magampanan namin ang aming mga responsibilidad na naaayon sa kagusutuhan at plano ninyo.

Sana po ay maging maliwanag para sa aming mga MCOs ang aming mga intensyon para sa kanila. Maging lakas at sandigan po sana namin sila sa panahong ito at sa mga susunod pa. Patuloy niyo pong gabayan ang mga manggagawa ng sektor ng rural electrification, at dalhin po ninyo sa magandang direksyon ang lahat ng aming ginagawa.

Bigyan po ninyo ng tibay ng loob ang mga electric cooperatives upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan. Sana po ay bigyan ninyo sila ng malinaw na direksyon upang malampasan nila ang mga bagay na patuloy na sumusubok sa tatag ng kanilang paniniwala at pag-intindi sa mga rason ninyo.

Ang dasal namin ay maging matatag ang BENECO, PALECO, CASURECO III at ibang electric coop sa Bicol upang magkaroon sila ng lakas at tibay ng loob sa panahong ng pagsubok. Ipinagdadasal din po namin ang lahat ng mga electric coop sa Iloilo at Negros Island upang patuloy nilang maipaglaban ang kanilang serbisyo at patuloy itong magampanan para sa MCOs. Itinataas din namin ang lahat ng aming dasal para sa NORDECO; naway lahat po ng pagsubok at paghihirap ay maging rason upang makita din ng mga MCOs ang halaga ng bawat electric cooperative.

Gabayan din po ninoy ang bawat lider ng bansa upang magkaroon ng kalinawan ng isip at kabutihan ng loob sa pagharap sa bawat problema ng bansa. Maging malinaw sana sa kanila na ang kanilang posisyon ay dapat nilang gamitan sa pagtulong sa mga Pilipino.

Sana po ay makipagtulungan sila sa amin upang maging mas makabuluhan ang mga proyekto at plano para sa mga tao sa kanayunan. Bigyan niyo po kami ng boses upang maipaglaban namin ang mga taong pinaglilingkuran namin.

Inaalay po namin ang lahat ng aming ginagawa upang mapabuti ang pamumuhay na aming mga MCOs, at sana po ay kami ay patuloy ninyong patatagin upang magawa namin ito. Itinataas namin ang lahat sa inyo at kami po ay patuloy na magtitiwala sa inyo.

Amen.

#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECs
#WeAreOneForECIndependence
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforPALECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforCASURECOIIIandAllECsInBicol
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInIloilo
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO