COOP Activities

CANORECO MCO Federation Quarterly Meeting

Ang isinagawang pagpupulong ng Member Consumer Owner (MCO) Federation Officers ngayong araw na pinamunuan ng President ng MCO Federation at Chairman ng Municipal officers sa bayan ng Paracale na si Mr. Vicente R. Medinilla kasama ang ibang officers at mga chairman ng bawat bayan. Nag update ang CANORECO sa pangunguna ng Institutional Services Manager na si Ms. Mary Ann A. Moreno at Melissa S. Abogado, OIC Chief ng Member Services Division sa mga kaganapan ng ating kooperatiba , mga plano at programa nito at idinulog naman ang mga concerns ng MCO officers sa kanilang nasasakupang bayan upang maiparating sa pamunuan ng CANORECO.
Ang mga MCO officers ay kaagapay ng ating koperatiba para maitaguyod ang mga programa nito para sa ikakaganda ng aming serbisyo.
Nagpapasalamat ang pamunuan sa kanilang walang sawang pagtulong upang maiparating sa mga member consumer owners ang serbisyong hatid ng CANORECO.