Scheduled Power Service Interruptions

PALIWANAG SA NANGYARING POWER INTERRUPTION NOONG HULYO 30

Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Hulyo 30, 2018 simulang 1:40 ng madaling araw hanggang 4:20 ng madaling araw na naranasan sa Buong bayan ng Sta. Elena at mga barangay sa Southroad ay dahil sa ‘disturbance” sa linya ng CANORECO sa Guisican, Labo.

Samantala, ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa kaparehong araw sa ilang bahagi ng Brgy. Lag-on at Central Plaza Complex sa Daet simulang 6:00 ng umaga hanggang 10:40 ng umaga ay dahilan sa nasirang pin insulator at suspension sa may Central Plaza Complex.

Agad namang tinugunan ng technical team ng CANORECO ang nasabing problema.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717 at AREA 2 Office sa teleponong 585-2253 at cellphone nos. 09202850264 at 09951305414.