Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Hulyo 19, 2018 simulang 9:20 ng gabi sa Brgy. Malatap, Bagong Silang 2, 3 at ilang bahagi ng Bagong Silang 1 sa bayan ng Labo, Brgy. San Martin sa bayan ng Jose Panganiban at buong bayan ng Capalonga maliban sa Villa Belen, Villa Aurora at San Antonio ay dahilan sa naputol na poste (pole # 297) sa Bagong Silang 1, Labo.
Agad namang tinugunan ng technical team ng CANORECO ang nasabing problema at naunang napailawan ang Brgy. Malatap at ilang bahagi ng Brgy. Bagong Silang 1 sa bayan ng Labo ng 12:11 ng madaling araw at naibalik naman ang serbisyo ng kuryente sa mga naiwang lugar bago mag 5:00 ng umaga.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 2 sa teleponong 585-2253 at cellphone nos. 09202850264 at 09951305414.

