CANORECO Balita

ELECTIONS NG CANORECO PARA SA BOARD OF DIRECTOR GAGANAPIN SA HULYO 2019

Ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ay magkakaroon ng District Elections para sa pagka Direktor sa mga sumusunod na distrito at petsa:

DISTRITO                                        DATE OF ELECTION

I           Basud                                                  July 6, 2019

II         Daet North                                          July 6, 2019

VIII     Capalonga                                           July 13, 2019

IX        Sta. Elena                                            July 13, 2019

V         Talisay                                                 July 20, 2019

V         San Vicente                                         July 20, 2019

IV        Labo                                                    July 27, 2019

Ang sinumang interesadong kumandidato bilang Director ay dapat magtaglay ng mga qualifications na nakasaad sa Republic Act No. 10531 at DOE Circulars. Ang mga qualifications ay ang mga sumusunod:

  1. Mamamayang Pilipino;
  2. Nakapagtapos ng hindi bababa sa apat (4) na taong kurso;
  3. May edad na hindi bababa sa dalawampu’t isa (21) at hindi tataas sa pitumpung (70) taon sa araw ng election;
  4. May good moral character;
  5. “Member in good standing” limang (5) taon bago ang election na ang ibig sabihin ay:
    1. Walang pagkakautang o obligasyon sa kooperatiba tatlong (3) buwan bago isumite o i-file ang Certificate of Candidacy (COC);
    2. Hindi nahuli ng pandaraya sa kuryente
    3. Hindi natanggal sa pagka Direktor o pagiging empleyado sa alinmang electric cooperative
  6. Aktwal na residente at konsumidor sa distritong kakatawanin ng hindi bababa sa dalawang (2) taon bago ang election;
  7. Nakadalo sa Annual General Membership Assembly ng CANORECO ng hindi bababa sa dalawang (2) beses sa loob ng limang (5) taon bago ang eleksyon;
  8. Kasapi ng kooperatiba at kwalipikadong botante sa distritong kanyang kakatawanin sa loob ng hindi kukulangin sa siyamnapung (90) araw bago idaos ang election;
  9. Hindi humahawak ng “public office” maging ang kanyang asawa na may Salary Grade na 16 pataas o kaparehong Salary Grade. Ang mga nasa public office na may Salary Grade na 15 pababa lamang ang maaaring kumandidato;
  10. Hindi kumandidato sa nakaraang local o national elections maging ang kanyang asawa;
  11. Hindi napatunayang nagkasala ng anumang krimen na sangkot ang moralidad;
  12. Hindi natanggal ng may kadahilanan sa kanyang trabaho sa public office, gobyerno o pribadong tanggapan;
  13. Siya ay hindi kamag-anak ng sinuman sa mga nakaupong Director o General Manager o kahalintulad o mas mataas na posisyon at ng sinuman sa mga Department Managers ng CANORECO hanggang 4th civil degree of consanguinity o affinity;
  14. Hindi nagtatrabaho o walang interes pinansyal sa mga establisyimento na nagbebenta ng kuryente o electrical hardware sa kooperatiba o walang business transaction sa CANORECO kasama ang paggamit o rental ng poste;
  15. Hindi kumakatawan sa juridicial person;
  16. Ang kandidato ay dapat makadalo sa Pre-Election Briefing/Orientation na gagawin ng kooperatiba para sa mga kandidato

Ang sinumang nagnanais na tumakbo para sa eleksyon ay dapat na matugunan ang mga nasabing kwalipikasyon. Kinakailangan lamang pumunta sa CANORECO Main Office sa Daet para sa pagkuha ng Certificate of Candidacy (COC). Ang mga kailangang isumite (in 3 copies) ay ang mga sumusunod:

  1. Certificate of Candidacy (duly notarized)
  2. Resume na may 2X2 picture
  3. Photocopy ng College Diploma para sa pagtatapos ng apat (4) na taong kurso at Licensure Examination Result kung meron (original to be presented)
  4. Photocopy ng Transcript of Records na may Special Order para sa apat (4) na taong kurso (original to be presented)
  5. Photocopy ng NSO Birth Certificate (original copy to be presented)
  6. Latest Certificate of Good Moral Character mula sa barangay o PNP o NBI
  7. Latest Certificate of being a member in good standing mula sa Finance Services Department (FSD) at Office of the General Manager (OGM) ng CANORECO. Para sa incumbent Director na tatakbo para sa re-election kinakailangan din ang latest Certification ukol sa kanyang obligasyon sa kooperatiba.
  8. Latest barangay certificate na nakasaad ang bilang ng taon ng pagiging residente sa barangay;
  9. Latest power bill receipt
  10. Certification mula sa Membership Development Division ukol sa Annual General Membership Assembly (AGMA) attendance.
  11. Latest Certificate of Employment. Para sa government employee, kailangang nakasaad ang position at salary grade. Kailangan din ang Certificate of Employment ng asawa na nakasaad ang salary grade kung ito ay government employee.
  12. Permit to run mula sa Department Secretary o Regional Director o Elective Local Official o sa duly authorized representative para sa mga kawani ng gobyerno.
  13. Personal Data Sheet ng asawa. (Kung government employee, nakasaad ang position at salary grade)
  14. Latest Certificate mula sa COMELEC na nagpapatunay ng hindi pagtakbo sa pinakahuling local at national election (including spouse);
  15. Latest clearances mula sa Prosecutor/Fiscal Office, RTC, MTC at POLICE
  16. Clearance mula sa dating employer na nagsasaad na walang accountabilities at administrative cases.
  17. Affidavit ng pagiging walang relasyon hanggang 4th civil degree of consanguinity o affinity sa mga incumbent Board Directors, General Manager, Department Managers o kahalintulad o mas mataas na posisyon;
  18. Latest drug test result (original)
  19. Latest medical certificate mula sa government doctor

Ang cut-off date ng pagsumite ng Certificate of Candidacy kasama ang mga nabanggit na requirements ay ang mga sumusunod:

DISTRITO                                        CUT-OFF DATE OF FILING OF COC

I           Basud                                                  June 26, 2019

II         Daet North                                           June 26, 2019

VIII     Capalonga                                             July 3, 2019

IX        Sta. Elena                                            July 3, 2019

V         Talisay                                                 July 10, 2019

V         San Vicente                                         July 10, 2019

IV        Labo                                                    July 17, 2019

Samantala, ang mga qualified voters naman ay ang mga kasapi na ang membership ay naaprubahan ng Board of Directors hanggang Marso 23, 2019 lamang. Tiyakin na ang inyong pangalan ay nakatala sa Masterlist of Members ng CANORECO na ipapaskil sa mga barangay ng mga distritong may nakatakdang eleksyon.

Para sa mga hindi sinasadyang nawala ang pangalan sa talaan ng mga kasapi, ang inclusion at exclusion period ay ang mga sumusunod:

DISTRITO                                        INCLUSION/EXCLUSION PERIOD

 I           Basud                                                  June 16- 26, 2019

II         Daet North                                          June 16- 26, 2019

VIII     Capalonga                                           June 23-July 3, 2019

IX        Sta. Elena                                            June 23-July 3, 2019

V         Talisay                                                 June 30- July 10, 2019

V         San Vicente                                         June 30- July 10, 2019

IV        Labo                                                    July 7 – 17, 2019

Sa panahon ng inclusion/exclusion (verification) period, magsadya sa tanggapan ng CANORECO sa Daet o sa mga service centers kung may dapat isaayos sa membership record. Mangyaring magdala ng alinman sa mga sumusunod upang maisama o maisaayos ang kanilang pangalan sa masterlist of voters:

  1. CANORECO I.D.
  2. Official Receipt ng pinagbayarang Membership Fee
  3. Duplicate copy ng Kasunduan-Kahilingan na nilagdaan sa pag apply ng Membership sa CANORECO.

Ang “proxy voting” ay hindi pinahihintulutan sa mga eleksyong gaganapin. Ang mga nakarehistro lamang sa masterlist of voters ang maaaring makaboto.

Para sa kaugnay na impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department sa main office ng CANORECO sa Daet o tumawag sa teleponong  571-3717, 09212116180 at 09560525608.