Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Hunyo 7, 2019, Biyernes, simulang 1:45 hanggang 3:12 ng hapon, na naranasan sa buong bayan ng Sta. Elena, Capalonga, Labo, Vinzons, Talisay, San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Mercedes, Basud at Daet ay sanhi ng Manual Load Dropping ng National Grid Corporation of the Phillipines o NGCP na naunang nakaiskedyul ng 1:00 hanggang 2:00 ng hapon ng Hunyo 7, 2019. Ang NGCP ang nagtutukoy kung anong lugar ang kailangan nilang “i-off” upang maging maayos ang suplay ng kuryente. Ang schedule na ibinibigay ng NGCP sa mga distribution utilities gaya ng CANORECO ay maaari nilang ikansela o maaring mabago ang oras depende sa suplay ng kuryente.
Samantala, ang dahilan naman ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Hunyo 8, 2019, Sabado, simulang 11:22 ng hatinggabi hanggang 12:15 ng madaling araw ng Hunyo 9, 2019, Linggo sa bayan ng Sta. Elena, Capalonga at Labo at hanggang 2:36 ng madaling araw ng Hunyo 9, 2019, Linggo sa mga bayan ng Vinzons, Talisay, San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Mercedes, Basud at Daet ay sanhi ng nadetach na suspension insulator sa linya ng 69KV line sa Pole # 029 sa Mat-E, Vinzons. Agad namang inaksyunan ng maintenance team ng CANORECO ang nasabing problema.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Sevices Department sa cellphone nos. 09212116180 at 09560525608 at landline number 054-5713717.

