CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE BUMABA NGAYONG HUNYO 2019

Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Hunyo 2019 billing na babayaran sa Hulyo 2019. Ang sanhi ng pagbaba ay ang mababang Generation Charge partikular sa mababang presyo ng biniling kuryente sa Aboitiz Power Renewables Inc. o Aboitiz.

Naging dahilan din ang pagbaba ng System Loss Charge na isa sa mga components ng taripa sa kuryente na binabayaran ng mga konsumidores. Ang System Loss ay bahagi ng kabuuang enerhiyang binili ng CANORECO na dapat ay rumihistro bilang konsumo subalit napupunta sa technical at non-technical losses.

 Ang rate sa residential para sa buwan ng Hunyo ay umabot ng P 10.1836 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng MayoHunyo na P 11.1344 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 95 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 9.2301 per kwh para sa buwan ng Hunyo kumpara sa P 10.1808 per kwh noong buwan ng Mayo o bumaba din ng 95 centavos per kwh.

 Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.