Ang biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa buong lalawigan ng Camarines Norte noong Enero 26, 2019 (Sabado) simula alas 8:04 ng umaga hanggang 2:43 ng hapon ay dahilan sa biglaang pagtaas ng insulation power factor sa 50 MVA power transformer ng National Grid Corporation of the Phils. (NGCP). Dahil dito nagkaroon ng agarang emergency power interruption ang NGCP upang maiwasan ang malawakang pinsala nito.
Ang NGCP ang nangangalaga ng mga transmission lines kung saan kunektado ang mga substations ng CANORECO.

