CANORECO Balita

Bayan ng Mercedes, Naging Benepisyaryo ng Donasyon Mula sa RECOBODA sa Pamamagitan ng CANORECO at DOLE

Dinaluhan ng pamunuan ng CANORECO ang payout ng wages ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers Program #Barangay Ko Bahay Ko (TUPAD #BKBK) noong October 6, 2020 sa Municipal Covered Court, Mercedes, Camarines Norte.

Ang kaganapan ay dinaluhan nina Honorable Dante Morales, Mayor ng Mercedes; Mr. George Palmero, Executive Secretary ng Office of the Mayor; Dir. Juanito Palmero, Miyembro ng Board of Directors ng CANORECO para sa Mercedes; Engr. Edwin Lamadrid, Presidente ng Board of Directors ng CANORECO; GM Zandro Gestiada, General Manager ng CANORECO; at Ms. Rhea Aivee PeΓ±alosa, Chief ng Member Services Division ng CANORECO

Ang TUPAD ay isa sa mga pangunahing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga displaced, underemployed at self-employed workers. Ang naging trabaho ng mga benepisyaryo ng programang ito magmula ng ipatupad ang mga Community Quarantine ay sampung (10) araw na disinfection at sanitation ng kanilang mga tirahan at kapaligiran.

Ang mga underemployed, self-employed at displaced marginalized workers ng bayan ng Mercedes ang napili ng CANORECO mula sa listahan ng DOLE Camarines Norte na maging benepisyaryo ng donasyon ng Rural Electric Consumers & Beneficiaries of Development & Advancement (RECOBODA) na bahagi ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA), ang umbrella organization ng 121 electric cooperatives (ECs) sa buong bansa, kasama ang Ako Padayon Pilipino at Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC).

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.