CANORECO Balita Maintenance Activities

Task Force Bayanihan, Inumpisahan na

Inumpisahan ng CANORECO ang Task Force Bayanihan sa paglilinis ng mga linya nito sa bayan ng Basud noong July 18, 2020 mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali kasabay ng scheduled power service interruption sa nasabing bayan.

Bahagi ang naturang aktibidad ng contingency measures ng Kooperatiba ngayong panahon ng pandemya. Napakahalaga nito sa damage prevention, increased visibility, easier access at public safety ng mga member-consumer-owner (MCO).

Ito ay pinamunuan ni General Manager Zandro R. Gestiada at sinimulan ng itinalagang Task Force Commander na si Area 1 Manager Engr. Rafael C. Villagracia at ng Task Force Coordinator na si Safety Officer Engr. Reymond L. Rada sa pakikipagtulungan ng mga employee volunteers at ng CANORECO Clearing Team.

Lumikom ang CANORECO ng volunteers mula sa regular workforce nito kabilang ang mga office-based personnel na handang magpaabot ng kanilang mahalagang serbisyo na walang katumbas na kabayaran.

Ang mga nalikom na volunteers ay pinaalalahanan naman ng mahigpit na pagsunod sa mga health at safety protocols gaya ng pagsusuot ng mask, gloves at helmet, at pag-obserba ng social distancing.

Inaasahang magpapatuloy at magiging regular na aktibidad na ito ng mga kawani ng CANORECO para sa pagpapanatili ng integridad at kaligtasan ng mga linya ng kuryente sa buong Camarines Norte.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Area 1 Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.