CANORECO Balita

Mga MANUAL LOAD DROPPING (MLD) Schedule ng National Grid Corporation of the Philippines(NGCP) sa CANORECO

Ang mga sumusunod ay ang mga ini-schedule ng NGCP na MLD sa CANORECO mula noong May 31, Lunes, hanggang June 2, 2021, Martes:

MAY 31, 2021 (2:00PM-3:00PM)
Brgy. Bagumbayan, Casalugan, Labnig, Malaguit, Palanas, Poblacion Norte, Poblacion Sur, Twaig at Tugos sa bayan ng PARACALE; at Bayan ng JOSE PANGANIBAN maliban sa Brgy. Tamisan, Sta. Rosa Sur, Luklukan Sur at San Martin.
Red Alert: 1:00PM-3:00PM
Natuloy

JUNE 1, 2021 (4:00PM-5:00PM)
Brgy. Bagumbayan, Casalugan, Labnig, Malaguit, Palanas, Poblacion Norte, Poblacion Sur, Twaig at Tugos sa bayan ng PARACALE; at Bayan ng JOSE PANGANIBAN maliban sa Brgy. Tamisan, Sta. Rosa Sur, Luklukan Sur at San Martin.
Red Alert: 10:00AM-5:00PM
Hindi Natuloy

JUNE 1, 2021 (8:00PM-9:00PM)
Lalawigan ng CAMARINES NORTE maliban sa mga Poblacion barangay ng mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Red Alert: 6:00PM-10:00PM
Hindi Natuloy

JUNE 2, 2021 (2:00PM-3:00PM)
Lalawigan ng CAMARINES NORTE maliban sa mga Poblacion barangay ng mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Red Alert: 9:00AM-5:00PM 6:00PM-11:00PM
Hindi Natuloy

JUNE 2, 2021 (6:00PM-7:00PM)
Mga Poblacion barangay ng mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Red Alert: 6:00PM-11:00PM
Hindi Natuloy

Nagsagawa ng MLD ang NGCP nitong mga nakaraang araw dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente para sa buong Luzon Power Grid. Ilang beses nang nagdeklara ang NGCP ng Red Alert Status sa nasabing grid dahil sa pagkaubos ng reserbang kuryente ng mga planta ng kuryente. Sa mga ganitong sitwasyon at bilang nag-iisang transmission service provider ng bansa, responsibilidad ng NGCP na magsagawa ng MLD o rotational brownout upang masiguro ang integridad ng buong power system.

Ang NGCP ay isang pribadong korporasyon na namamahala sa pagpapatakbo, pagpapanatili at pagpapaunlad ng power grid na pagmamay-ari ng Pilipinas. Ito ay isang magkakaugnay na sistema na nagpapadala ng mga gigawatt ng kuryente sa libu-libong mga boltahe mula sa kung saan ito ginawa hanggang sa kung saan ito kailangan.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa mga website at Facebook page ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ng Department of Energy (DOE).

Para makatanggap ng mga Patalastas ng Power Service Interruption, ibigay ang mga cellphone number sa Area Offices at Service Centers ng CANORECO.