CANORECO Balita

DAET TELLERING BUKAS SA HOLIDAY, NOBYEMRE 30 AT MGA SABADO AT LINGGO NGAYONG BUWAN NG DISYEMBRE

Magbubukas ang Daet Tellering ngayong buwan ng Disyembre tuwing araw ng Sabado at Linggo maliban sa Disyembre 29, 2019 upang magtanggap ng mga bayad sa powerbill simulang Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1, Disyembre 7-8, Disyembre 14-15, Disyembre 21-22 at Disyembre 28, simulang alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. Dalhin lamang ang statement of account na binigay ng mga meter reader.

Ito ay isa sa mga paraan ng pamunuan upang makapaghatid ng serbisyo sa mga member consumer owners ng CANORECO at mapataas ang collection efficiency nito.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Financial Services Department (FSD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.