Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre 2019 billing na babayaran sa Disyembre 2019. Ang sanhi ng pagtaas ay ang mataas na Generation Charge dahil sa mataas na presyo ng biniling kuryente sa Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI at Wholesale Electricity Spot Market o WESM. Nagkaroon din ng pagbabago sa presyo ng APRI dahil sa pagtaas ng Newcastle Coal Index at US Consumer Price Index. Nakapaloob sa Power Supply Contract na pinapayagan ang pagkakaroon ng adjustment sa rate ng kuryente kapag may paggalaw sa mga nabanggit na indeces.
Isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ay ang mga pass-through charges katulad ng Gram/Icera, Lifeline Subsidy at System Loss Charge na isa din sa mga components ng taripa sa kuryente na binabayaran ng mga konsumidores. Ang System Loss ay bahagi ng kabuuang enerhiyang binili ng CANORECO na dapat ay rumihistro bilang konsumo subalit napupunta sa technical at non-technical losses at pandaraya o pagnanakaw.
Ang rate sa residential para sa buwan ng Nobyembre ay umabot ng P 9.3973per kwh kumpara noong nakaraang buwan ng OktubreHunyo na P 9.0805 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 31 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.4438 per kwh para sa buwan ng Nobyembre kumpara sa P 8.1269 per kwh noong buwan ng Oktubre o tumaas din ng 31 centavos per kwh.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.

