Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Abril 3, 2019, Miyerkules, simulang 6:32 ng gabi hanggang 8:06 ng gabi, na naranasan sa Brgy. Awitan, Dancalan, Tabas, Mampungo, Bakal, Mankasay, Malaguit, at Pinagbirayan sa bayan ng Paracale, Brgy. Aguit-it, Manlucugan, at Matango sa bayan ng Vinzons at buong bayan ng Labo maliban sa mga Brgy. sa South Road ay sanhi ng naputol na jumper ng bypass sa tapat ng Motortrade malapit sa terminal ng Labo.
Agad naming inaksyunan ng maintenance team ng CANORECO ang nasabing problema.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 2 Office sa cellphone nos. 09951305414.

